
COMELEC, Inihayag ang Kasalukuyang Estado ng Bangsamoro Parliamentary Elections

COTABATO CITY (Ika-26 ng Setyembre, 2025) – Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) noong Huwebes, September 25, 2025 ang kasalukuyang estado ng BARMM Parliamentary Elections sa mga pagbabagong kasulukuyang nagaganap ukol sa October 13, 2025 BARMM Parliamentary Elections.
Sinabi ng COMELEC na nahinto ang paghahanda ng COMELEC para sa October 13, 2025 BARMM Parliamentary Elections kaya nagkaroon ng mga delay, partikular na ang pagsasagawa ng: Assemblies at conventions para sa mga tribo, Ulama, Sultan, kabataan, kababaihan, at settler communities; Trainings ng mga election workers; Voter education at information campaigns; at Deployment at delivery ng mga kagamitan sa halalan
Anila ang pagpapatuloy ng mga importanteng aktibidad na ito ay hindi na praktikal at lalagpas na sa nakatakdang Araw ng Halalan sa ika-13 ng Oktubre 2025.
Binigyan diin nito na batay sa Section 5 ng Batas Pambansa Bilang 881 o Omnibus Election Code:
“Section 5. Postponement of Election. – When for any serious cause such as […] force majeure […] the COMELEC, motu proprio or or upon a verified petition by any interested party, and after due notice and hearing, […] shall postpone the election therein to a date which should be reasonably close to the date of the election not held […]”.
Ang promulgasyon ng Bangsamoro Autonomy Act (BAA) No. 77 o ang parliamentary district redistribution sa BARMM at ang kasunod na paglabas ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) na nagbabawal sa COMELEC at Bangsamoro Transition Authority na ipatupad ito ay isang seryoso at hindi inaasahang kaganapan na maaaring tawaging “FORCE MAJEURE”.
“Dahil rito, inaanyayahan ang lahat ng political parties, candidates, sectoral party groups, election stakeholders, citizens’ arms, o ang lahat ng stakeholders sa BARMM na personal na magbigay ng kanilang komento at mapakinggan ng COMELEC ukol sa posibilidad ng pagpapaliban ng BARMM Parliamentary Elections sa loob ng 48 hours mula sa promulgasyon ng COMELEC Minute Resolution No. 25-1034 sa Office of the COMELEC Secretary o mag-email sa comsec@comelec.gov.ph.,” ayon sa komisyon.
Dagdag nito na matapos ang binigay na palugit ay ireresolba ng COMELEC ang isyu ng pagkakaroon ng force majeure at kung ito ay sapat para ipagpaliban ang BARMM Parliamentary Elections.
Reference: COMELEC Minute Resolution No. 25-1034 dated 25 September 2025. (BMN/BangsamoroToday)