Vice Governor Ustadz Nando, Pinangunahan ang General Assembly for Dialogue and Empowerment sa Bayan ng Dimaikling

(Larawan mula kay Vice Governor Ustadz Hisham S.
Nando)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Setyembre, 2025 ) — Pinangunahan ni Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando ang General Assembly for Dialogue and Empowerment na ginanap sa Bayan ng Dimaikling, Maguindanao del Sur, noong Setyembre 25, 2025.

Dinaluhan ang naturang pagtitipon ng mahigit 6,355 na mamamayan, bilang patunay ng kanilang pagkakaisa, paninindigan sa pananampalatayang Islam, at suporta sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Vice Governor Nando na ang nasabing pagtitipon ay sumasalamin sa matatag na pananampalataya ng mga Bangsamoro sa Islam.

“Ang pagdalo natin dito ay hindi lamang simpleng pagtitipon kundi patunay ng ating sakripisyo at pananampalataya,” ani Vice Governor Hisham.

Ginamit din niya ang nasabing plataporma upang muling ipahayag ang buong suporta sa pamumuno ni UBJP President at MILF Chairman Al-Haj Murad Ebrahim, kilala rin bilang Amirul Mujahideen, kasama si Chief Minister Hon. Abdulraof Macacua, MBHTE Minister MP Mohagher Iqbal, at UBJP District 4 Representative Datu DJ Parok Mangudadatu.

Hinikayat ni Nando ang mga mamamayan na manatiling nagkakaisa at gampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga kasapi ng Bangsamoro community.

“Ang ating pagboto kay Al-Haj Murad at sa UBJP ay hindi lamang karapatan kundi isang obligasyon na dapat nating isakatuparan,” dagdag pa niya.

Samantala, binigyang-pansin din ni Vice Governor Nando ang GIVE HEART Program ni Governor Hon. Datu Ali M. Midtimbang, na naglalayong palakasin ang community empowerment at kolaborasyon bilang susi sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng probinsya. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post COMELEC, Inihayag ang Kasalukuyang Estado ng Bangsamoro Parliamentary Elections
Next post LENTE, Nanawagan sa COMELEC na Ituloy ang 2025 BARMM Parliamentary Elections