679 Benepisyaryo na Apektado ng Baha, Tumanggap ng Food packs mula sa Provincial Government ng Maguindanao del Sur

(Larawan mula sa Tanggapan ni Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando)

COTABATO CITY (Ika-22 ng Setyembre, 2025) — Mahigit 679 benepisyaryo mula sa Barangay Lower Malangit, Sitio Kalipapa at Barangay Linek na apektado ng pagbaha ang tumanggap ng food packs mula sa tulong ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur, bilang bahagi ng patuloy na pamimigay-tulong sa mga pamilyang nangangailangan na ginanap sa Bayan ng Pandag noong Setyembre 21.

Pinangunahan ni Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando, Kasama sina Governor Hon. Datu Ali M. Midtimbang at katuwang ang Project TABANG ng BARMM, ang Coordination Meeting at Relief Operation. Layunin nito ang masusing pagsusuri sa sitwasyon at pagbabalangkas ng mga estratehiya para sa agarang tugon at pangmatagalang solusyon sa mga apektadong komunidad.

Dinaluhan ang pagpupulong nina BARMM Interim Chief Minister Hon. Abdulraof Macacua, Congressman Esmail “Toto” Mangudadatu, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), at ilang alkalde ng mga bayan.

Ipinakita sa aktibidad ang inisyatibo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng BARMM, Provincial government, at mga lokal na pamahalaan upang maihatid ang mabilis na ayuda at mapalakas ang mga programang nakatuon sa pangmatagalang kaunlaran at kaligtasan ng mga mamamayan ng Maguindanao del Sur. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MHU ng MOH-BARMM Nagsagawa ng Mental Health Awareness at Suicide Prevention Campaign sa Tawi-Tawi
Next post MILG Pinangunahan ang Pagsasanay para sa Kapayapaan at Pagbabago ng mga Dating Rebelde sa Maguindanao del Sur