MIT-Marawi Students, Lumahok sa Session ukol sa Kasaysayan ng Bangsamoro at Voters’ Education sa Marawi City

(Larawan mula sa Office of the Member of the Parliament Said Sheik)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Setyembre, 2025) — Mahigit 500 estudyante ng Mindanao Institute of Technology (MIT-Marawi) ang nagtipon noong Setyembre 20, 2025 para sa isinagawang “Bangsamoro 101: An Information Drive on Bangsamoro History and Moral Governance,” na inorganisa ng Office of Member of the Parliament Said Shiek (OMPSS).

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng kabataan sa kasaysayan ng Bangsamoro, itaguyod ang mga prinsipyo ng moral governance, at itampok ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa darating na kauna-unahang halalan sa Bangsamoro Parliament.

Kabilang sa mga tagapagsalita sa programa sina: Ammal Solaiman, MBHTE Provincial Director on Higher Education, na nagbahagi ng kasaysayan ng pakikibaka ng Bangsamoro; Shayk Isa Ibrahim, na tinalakay ang esensya at praktika ng moral governance; at Dhoha Mambuay, na nagbigay-kaalaman hinggil sa voters’ education.

Ang nasabing inisyatibo ay nagpapakita ng patuloy na hangarin ng OMPSS na bigyang-lakas ang kabataan sa pamamagitan ng kamulatan, paghubog sa pagpapahalaga, at pananagutang sibiko bilang paghahanda sa kanilang mas aktibong papel sa pagtataguyod ng makatarungan at mapayapang Bangsamoro.

Dumalo rin sa programa si Mohammad Pandapatan, Chief of Staff ni MP Shiek, habang pinangunahan naman ang aktibidad ng Social Affairs Division Head na si Mar’atol Hosna Shiek, MPA, RSW. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MILF Political at Social Welfare Committee Assembly, Pinangunahan nina Chairman Murad at Iqbal sa Camp Darapanan
Next post Bangsamoro READi, Tumulong sa Apekatadong Pamilya ng Flash Flood sa Buluan District Hospital