Bangsamoro TVET Association, Nagsagawa ng BARMM TVET Forum 2025

(Larawan mula sa MBHTE-TESD FB Page)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Setyembre, 2025) — Matagumpay na isinagawa ng Bangsamoro Technical Vocational Education and Training (TVET) Association, sa pakikipagtulungan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD), ang taunang BARMM TVET Forum 2025 na may temang “Empowering TVET Institutions, Building Bangsamoro’s Future.”

Ginanap ito noong Setyembre 18, 2025 sa Bajada Suite, Poblacion District, Davao City, na nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang Technical Vocational Institutions (TVIs) sa buong rehiyon ng Bangsamoro.

Ayon sa MBHTE-TESD, layunin ng forum na Palakasin ang kolaborasyon sa pagitan ng mga TVET stakeholders;Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga bagong patakaran at direktiba; Ipatupad ang dekalidad at industry-relevant na mga programa para sa patuloy na pag-unlad ng kasanayang teknikal sa rehiyon.

Sa ngalan ni TESDA Secretary Francisco B. Benitez, inihatid ni Deputy Director General Galo B. Glino III ang mensahe ng suporta ng TESDA para sa MBHTE-TESD at sa buong sektor ng TVET sa BARMM.

Ayon kay Glino, “Education and TVET is key to sustainable peace and development.” Binigyang-diin niya na ang TVET ay mahalagang instrumento sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa mga pamayanang Bangsamoro. Dagdag pa niya, handa ang TESDA na tumulong sa MBHTE-TESD upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga industry-oriented na programa para sa mga mag-aaral at mamamayan.

Sa pagtatapos ng forum, nagtibay ng bagong kasunduan ang mga kalahok upang higit pang paigtingin ang pagsuporta sa sektor ng TVET sa rehiyon. Layunin nito na bigyang-kakayahan ang kabataang Bangsamoro sa pamamagitan ng sapat na kasanayan na magagamit nila sa paghubog ng mas maunlad, mapayapa, at inklusibong lipunan. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Economic and Financial Learning Program, Inilunsad para sa Sektor ng Agrikultura sa BARMM
Next post Lokal na Bayani ng Agrikultura sa BARMM, Itinampok sa BSP-EFLP