MP Engr. Karon, Naglaan ng ₱500,000 Medical Assistance sa Pesante Hospital sa Midsayap

(Larawan mula sa tunay nitong nagmamay-ari

COTABATO CITY (Ika-18 ng Setyembre, 2025) – Noong Martes, Setyembre 16, personal na pinangunahan ni Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament (MP) Engr. Bai Ali Karon ang paglalaan ng ₱500,000 bilang medical financial assistance para sa mga pasyenteng nangangailangan sa Pesante Hospital, Midsayap, North Cotabato.

Ang nasabing pondo ay nakatuon sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyente mula sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay MP Karon, patuloy niyang isinasaalang-alang ang kalusugan ng mga mamamayang Bangsamoro bilang pangunahing prayoridad, lalo na ang mga higit na nangangailangan ng tulong-medikal.

Bukod sa Pesante Hospital, nauna nang nagbigay si MP Karon ng ₱500,000 medical financial assistance sa Notre Dame Hospital sa Cotabato City. Sa araw na ito, Huwebes, Setyembre 18, 2025, ay pormal din niyang itinurn-over ang ₱1,000,000 medical assistance sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Hinikayat ng opisina ni MP Karon ang mga nangangailangan ng tulong-medikal na maaaring magsumite ng kanilang hospital billing sa kanyang tanggapan bilang pangunahing requirement para sa benepisyo. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MAFAR Pinaigting ang Pagpapaunlad ng Halal Indusrtry, Nagsagawa ng Benchmarking sa UAE
Next post Economic and Financial Learning Program, Inilunsad para sa Sektor ng Agrikultura sa BARMM