
UBJP Vice President Iqbal, Panauhin sa Voters’ Education para sa District 4 ng UBJP sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY (Ika-14 ng Setyembre, 2025) — Dinaluhan ng mahigit 2000 tagasuporta ang isinagawang Voters’ Education and Advocacy ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ngayong Linggo sa Sitio Kawa, Barangay Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Layunin ng programa na palalimin ang kaalaman ng mga mamamayan sa kahalagahan ng pagboto, tamang proseso ng halalan, at aktibong partisipasyon sa panahon ng BARMM. Parliamentary Elections ngayong darating na October 13, demokratikong pamahalaan ng Bangsamoro region.
Sa kanyang panawagan, hinikayat ni UBJP Vice President Mohagher Iqbal ang mga tagasuporta na manatiling aktibo sa nalalapit na eleksyon.
“Yako paganayan ipagidza nginya tumabang kanu sa election tanu,” ani Iqbal.
Dagdag pa niya, ang kinabukasan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nakasalalay sa tagumpay ng UBJP.
“Amayka ka salakaw e makakamal na diden matuntol, namba, kalubay din su BARMM amayka di makapananggit su UBJP.”
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng matalinong pagboto na dapat at UBJP lamang ang iboto upang hindi masayang ang ipinaglaban ng Bangsamoro sa pamamagitan ng Moro Islamic Liberation Front.
“Amayka di idtantu tanto sa tidto na, tidto kapasangan tanu, ipagidza ko paluman tumaban tanu sa kauma anya an election.” dagdag pa niya. Sagot naman ng partisipante, “uway!”
Samantala, pinangunahan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat (DOS), Upi, at Datu Blah Sinsuat (DBS).
Ang nasabing voters’ education ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng UBJP upang itaguyod ang inclusive political participation, lalo na sa mga komunidad na nasa malalayong lugar ng rehiyon. (Hannan G. Ariman at Binladin S. Nungga, BMN/BangsamoroToday)