The Raid on MBHTE was a Raid on Bangsamoro Autonomy — Atty. Montesa

(Screenshot sa Camilo Miguel Montesa FB)

COTABATO CITY (Ika-11 ng Setyembre, 2025) — Tinalakay ni Atty. Camilo Miguel “Bong” Montesa ang nangyaring pagpasok ng Philippine National Police (PNP), Marines at ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sa opisina ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE-BARMM), noong Setyembre 5.

Ayon kay Atty. Montesa, ang nasabing insidente ay maaaring lumabag sa kasunduan sa pagitan ng National Government at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), partikular sa probisyon tungkol sa asymmetric relationship ng Bangsamoro Government at ng National Government.

Aniya, “I think that is a violation of the agreement between the Philippine government and the Moro Islamic Liberation Front.”

Ipinaliwanag niya na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ay hindi basta-bastang extension ng National Government o katulad ng isang Local Government Unit (LGU), kundi may natatanging ugnayan batay sa nakalagay sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Dagdag pa niya, hindi pweding basta-basta pumasok ang mga grupo sa mga opisina ng BARMM nang walang koordinasyon sa Office of the Chief Minister (OCM).

“Hindi po ‘yon pwede, kasi hindi naman po under sa national government offices yung mga BARMM offices. At the very least, kailangan siyang magpaalam sa Office of the Chief Minister,” punto ni Atty. Montesa.

Binigyang-diin nito, na kung hindi mabibigyang pansin ang pangyagareng ito, ay maaaring hindi lang opisina ng MBHTE at iba’t ibang Ministry Offices ang papasukin, kabilang na ang Office of the Chief Minister. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post “Iboto ang UBJP Number 7 sa Balota” — Campaign Rally Isinagawa sa Malabang, Lanao del Sur