Pahayag ng MBHTE Hinggil sa Presensya ng mga Law Enforcement Personnel sa COA-BARMM Special Audit Retrieval

(Dokumento mula sa MBHTE FB Page)

Pahayag ng Minister ng Basic, Higher and Technical Education Hinggil sa Presensya ng mga Law Enforcement Personnel sa COA-BARMM Special Audit Retrieval

Ika-5 ng Setyembre, 2025

Ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ay nagbibigay ng pahayag na ito upang linawin ang mga kaganapang naganap kahapon, Setyembre 5, 2025, sa MBHTE Main Office na matatagpuan sa Bangsamoro Government Center, Lungsod ng Cotabato.

Bandang alas-7:30 ng umaga, pumasok sa nasabing tanggapan ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kasama ang iba pang armadong personnel mula sa Marines at Armed Forces of the Philippines (AFP), upang tumulong sa Special Auditing Team (SAT) ng Commission on Audit – BARMM sa pagkuha ng mga dokumento mula sa Office of the Resident COA Auditor ng nasabing Ministry.

Itinatampok ng Ministry ang mga sumusunod na mahahalagang pangyayari sa isinagawang retrieval:
1. Wala ang Lead Auditor ng COA Special Audit Team sa gusali ng MBHTE habang isinasagawa ang retrieval ng mga dokumento.
2. Tanging isang sipi ng Memorandum Order na umano’y mula sa Tagapangulo ng COA ang ipinakita bilang batayan ng operasyon.
3. Walang naging paunang koordinasyon sa MBHTE, at walang ipinakitang Mission Order ang mga armadong personnel mula sa Marines, AFP, at PNP na pumasok sa opisina.
4. Ang mga dokumento ay aktwal na hinawakan at pinroseso ng mga naka-unipormeng personnel sa halip na ng mga kinatawan ng COA.
5. Ang presensya ng mga heavily armed law enforcement at military personnel na naka-full battle gear sa loob ng gusali ng Ministry ay hindi nararapat. Ang ganitong paraan ay naging sanhi ng pagkaantala sa normal na trabaho at nagdulot ng hindi kinakailangang takot at pangamba sa mga kawani ng MBHTE na nagsasagawa lamang ng kanilang pang-araw-araw na tungkulin para sa kapakanan ng Bangsamoro.
6. Kasalukuyang nagsasagawa ang MBHTE ng masusing pagsusuri sa insidente at pinag-aaralan ang mga legal na hakbang na maaaring isagawa kaugnay nito.

Habang pinaninindigan ng MBHTE ang lubos nitong pagsunod sa lahat ng legal na proseso ng auditing, umaasa rin kami na ang mga susunod na hakbang na kahalintulad nito ay maisasagawa sa pamamagitan ng tamang koordinasyon, naaangkop na pamamaraan, at may paggalang sa maayos at ligtas na kapaligiran sa trabaho ng mga sibilyang kawani.

Mohagher M. Iqbal
Minister

(Pagsasalin sa wikang Filipino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UNYPAD EKCI Chapter Conducts Training on Da’wah Methodology and Effective Presentation