MBHTE, May Sarili ng Bagong Warehouse sa Cotabato City na Nagkakahalaga ng ₱79,590,000

COTABATO CITY (Ika-30 ng Agosto, 2025) — Pormal na isinagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) sa pamamagitan ng Education Facilities Section ang turnover ceremony para sa bagong tayong warehouse o bodega na may perimeter fence at land development sa Kalanganan II, Cotabato City nitong Agosto 29.

Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng Special Development Fund 2022 na may kabuuang halagang ₱79,590,000. Ang pasilidad ay magsisilbing pangunahing imbakan ng mga kagamitang pang-edukasyon upang matiyak ang maayos at ligtas na pag-iimbak ng mga suplay at rekurso na magagamit anumang oras na kailanganin.

Nagpahayag ng pasasalamat si MBHTE Minister Mohagher Iqbal sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang proyekto. “Masaya ako kasi after so many years of renting, may sarili nang warehouse ang MBHTE. This is just the beginning, at In sha Allah, ma-expand pa natin ito in the future para mas maayos nating masuportahan ang mga teachers at learners natin,” aniya.

Batay sa nakalap na impormasyon ng BMN/BangsamoroToday ay ilan lamang sa inuupahan ng MBHTE na bodega ang matatagpuan sa Mother Barangay Tamontaka, Sinsuat Avenue dito sa Lungsod.

Ayon sa MBHTE ang bagong bodega ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng MBHTE na palakasin ang mga support system para sa mas epektibong paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa buong Bangsamoro region. (Tu Alid
Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post CM Macacua Vows to Double Development Funds for LGUs Complying with Moral Governance Standards
Next post UN and BARMM Leaders Strengthen Cooperation to Support Peace and Development in Mindanao