UBJP Grand Proclamation Rally sa Cotabato City, Pambatong Kandidato sa BARMM Parliamentary Elections sa Oktubre Ipinakilala

(Litrato kuha ng BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-30 ng Agosto, 2025) — Matagumpay na isinagawa ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang Grand Proclamation Rally na may temang “One Bangsamoro, One Party, One Future”, bilang pagpapakilala ng kanilang mga plataporma at sabayang panawagan para sa pagkilos kaugnay ng nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections ngayong Oktubre 2025.

Pinangunahan ang pagtitipon ni UBJP President Ahod “Al-Haj Murad” Ebrahim, kasama sina Party Vice President Mohagher Iqbal, Information Officer Engr. Mohajirin Ali, at iba pang kilalang personalidad gaya nina Atty. Sheriff Abas na tumatakbong representative sa 1st District ng Lungsod, Zahrumin “Teng” Midtimbang para sa 2nd District, Atty. Jet Lim (Tawi-Tawi representative), Abrar Hataman (Basilan representative), at Amir “Gary” Balindong (Lanao del Sur representative).

Sa kanilang mga talumpati, ipinaabot ng mga kandidato at kinatawan ang kani-kanilang mga adbokasiya bilang pagpapakita ng kanilang tunay na layunin para sa kapayapaan at kaunlaran ng Bangsamoro.

Ayon kay Atty. Abas, “Kapag manalo ang UBJP sa 1st district ng Cotabato City, ay pwede nating ayusin ang edukasyon, kalusugan, at kabuhayan.”

Dagdag naman ni Midtimbang, “Sisiguraduhin ko na may oportunidad para sa lahat. Yatanu mapagapas na su party a UBJP na makaludep e madakel sa kanilan, kagina o di makaludep na dibun mananalusan so lekanilan a programa.”

Binigyang-diin naman ni Hataman ang kahalagahan ng pagkakaisa sa panig ng Bangsamoro, “We are standing for the treasure of the Bangsamoro.”

Ayon kay Atty. Lim, “Ang gobyerno ng BARMM ang lalapit sa mga tao, hindi ang mga tao ang lalapit sa BARMM.”

Samantala, dumalo rin ang mga lider mula sa iba’t ibang distrito at sektor ng Bangsamoro kabilang ang iba’t ibang organisasyon at sektor bilang patunay ng kanilang suporta sa UBJP para sa nalalapit na unang BARMM Parliamentary Election sa Oktubre 13, 2025. Ang aktibidad ay ginanap sa Gymnasium ng Cotabato State University, Sinsuat Avenue, Cotabato City noong Agosto 28. (Noron M. Rajabuyan at Norhainie S. Saliao – BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Petition Filed in Supreme Court to Nullify Bangsamoro Redistricting Law
Next post CM Macacua Vows to Double Development Funds for LGUs Complying with Moral Governance Standards