MIPA, Nagsagawa ng Oryentasyon sa Katutubo sa Pagsusulong, Pagpapanatili, at Pagtatanggol ng Kanilang mga Karapatan

(Litrato mula sa MIPA-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-24 ng Agosto, 2025) — Isinagawa ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs (MIPA) sa pangunguna ng Special Public Assistance and Legal Aid Division (SPALAD) at sa patnubay ni Minister Guiamal B. Abdurahman, ang isang makabuluhang oryentasyon ukol sa mga karapatan ng mga Katutubong Pamayanan noong Agosto 23, sa Almari, Bongao, Tawi-Tawi.

Layunin ng aktibidad na bigyang-kaalaman at kapangyarihan ang mga kabataang katutubo mula sa mga tribung Sama at Badjao hinggil sa kanilang mga batayang karapatan sa ilalim ng Bangsamoro Indigenous Peoples’ Rights Act (BIPA). Dinaluhan ito ng 50 kabataang katutubo mula sa nasabing mga tribu.

Kabilang din sa mga tinalakay ang kahalagahan ng Bangsamoro Parliamentary Elections at ang nilalaman ng Republic Act 11596, na nagbabawal sa maagang pag-aasawa ng mga bata.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Omarjan I. Jahuran, ang Municipal Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng South Ubian, na mahalaga ang ganitong mga aktibidad upang mapalalim ang kamalayan ng mga kabataang katutubo sa kanilang papel at responsibilidad sa pamilya at pamayanan.

Ang inisyatibong ito ay hakbang tungo sa mas matatag at mulat na sektor ng mga katutubo na handang ipaglaban at pangalagaan ang kanilang mga karapatan at kultura. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Tawi-Tawi PLGU Hosts Consultation on Proposed Maritime School and District Hospital
Next post UBJP Convenes Strategic Meeting with District Representatives Ahead of BARMM Parliamentary Elections