
Bangsamoro Government, Namahagi ng Rice Assistance sa Dating MILF Combatants, Guro ng Mahad Kutawato Al-Islamie, Incorporated

COTABATO CITY (Ika-19 ng Agosto, 2025) — Namahagi ng tulong na bigas ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong Agosto 15.
Ang pamamahagi ng rice assistance ay isinagawa sa pamamagitan ng Ministry of Interior and Local Governance (MILG), katuwang ang BARMM READi at ang tanggapan ni Member of Parliament (MP) Baileng S. Mantawil. Ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng BARMM government sa mga dating combatants ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).
Ayon sa isa sa mga benepisyaryo, taos-puso ang kanilang pasasalamat sa pamahalaang Bangsamoro, partikular kina Chief Minister Abdulraof A. Macacua at MP Mantawil. Aniya, “Isang patunay na hindi niyo kami nakakalimutan. Shukran sa tulong.”
Inaasahan na magpapatuloy ang pamamahagi ng rice assistance at iba pang programang suporta ng BARMM para sa mga MILF combatants sa rehiyon.
Samantala, nitong Lunes ay namahagi din ng rice at financial assistance sa mga guro mula sa Mahad Kutawato Al-Islamie, Incorporated na naisagawa sa pangunguna Chief Minister Macacua, Ministry of Local and Interior Goverment (MILG)- BARMM Readi katuwang ang opisina ni MP Mantawil. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)