OOBC, MSSD Nagsagawa ng Community Rice Distribution sa mga Senior Citizens sa Labangan, ZDS

Isa sa mga senior citizen na lumahok sa programa ng Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) at Ministry of Social Services and Development (MSSD) Barangay Tapodoc, Labangan, Zamboanga del Sur.

COTABATO CITY (Ika-27 ng Nobyembre, 2025) — Nagsagawa ng Community Rice Distribution sa mga Senior Citizens ang Office for Other Bangsamoro Communities (OOBC) at Ministry of Social Services and Development (MSSD) nitong buwan sa Barangay Tapodoc, Labangan, Zamboanga del Sur kasabay ng panayam sa MSSD at benepisyaryo upang talakayin ang mga prinsipyo at programa ng pamahalaan sa pagtulong sa mga senior citizens, partikular sa mga kabilang sa vulnerable at marginalized sectors.

Ayon sa MSSD, isa sa kanilang pangunahing guiding principle sa pagbibigay ng tulong ay ang pagbibigay-priyoridad sa mga sektor na higit na nangangailangan. Hindi lamang mga senior citizens ang kanilang tinutulungan kundi pati na rin ang iba pang mga vulnerable at marginalized sectors sa komunidad.

Ipinaliwanag ng MSSD na ang mga kabilang sa vulnerable at marginalized sectors ay yaong mga madalas napag-iiwanan o may limitadong oportunidad sa buhay. Dahil dito, mas pinipili ng ahensya na matulungan ang mga indibidwal na nahaharap sa matitinding hamon sa aspeto ng sosyal at ekonomikong kalagayan, lalo na ang mga halos walang sapat na mapagkukunan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Tampok din sa panayam kung paano pinipili ng MSSD ang mga benepisyaryo. Ayon dito, ang mga senior citizens na kabilang sa isang asosasyon ay awtomatikong kinikilalang kwalipikado.

Sinuri rin ng MSSD ang listahan ng mga benepisyaryo na isinumite ng Tapodoc Senior Citizens Association sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Ma’am Esley Akas.

Ayon pa sa MSSD, nakikita nila ang kanilang tanggapan bilang tulay ng pamahalaan upang maihatid ang mga serbisyo sa mga mamamayang higit na nangangailangan, kabilang na ang mga senior citizens sa mga komunidad. (Alimudin K. Kadatuan, Hannan G. Ariman at Noron M. Rajabuyan, BMN/ BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Navigating Uncertainty: The Road to the 1st Bangsamoro Parliamentary Election
Next post BMN at BangsamoroToday, Kinilala sa UBJP Media Conference at Year-end Kanduli