MSSD, Ipinahayag ang Accomplishment reports and Interventions on Social Services Agenda, mula 2019-2025

(Larawan mula sa MSSD)

COTABATO CITY (Ika-6 ng Oktubre, 2025) — Ipinahayag ng Ministry of Social Services and Development (MSSD), ang Comprehensive 2019-2025 Accomplishment reports and Interventions on Social Services Agenda, na nagtatampok ng mga pangunahing tagumpay at programa sa panahon ng pitong taong transisyon ng Bangsamoro Government, Ito ay isinagawa ngayong Araw Oktubre 6.

Mula 2020-2025, umabot ng ₱19,228,552,204.59 na pondo mula sa General Appropriations Act in the Bangsamoro (GAAB) at Special Development Fund (SDF), ang natanggap ng MSSD at ginamit ito upang maipatupad ang malawak na hanay ng mga programang panlipunan na nakarating sa libu-libong benepisyaryo sa buong rehiyon.

Kabilang sa mga pangunahing tagumpay ang pagbibigay-tulong sa 33,427 pamilya sa pamamagitan ng Unlad Pamilyang Bangsamoro, suporta sa 50,428 benepisyaryo sa ilalim ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan, tulong sa 3,800 pamilyang Badjao at 5,428 solo parents, at suporta sa 138,505 mag-aaral at 111,402 indigent beneficiaries sa pamamagitan ng BCARES. Nasa 6,770 pamilya ang nabigyan ng Emergency Shelter Assistance, habang 19,032 indibidwal ang natulungan sa Humanitarian Assistance.

Sa sektor ng vulnerable groups, nakatulong ang MSSD sa 49,137 persons with disabilities, 6,147 senior citizens, at namahagi ng 4,810 assistive devices, bukod sa pag-asikaso ng mga kaso ng CICL at CAR, libreng birth registration para sa 3,893 indibidwal, at suporta sa 2,590 child development at SNP workers sa ilalim ng ECCD Program.

Binigyang-diin ni MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie na bagama’t marami nang naabot ang Ministry, nananatiling hamon ang pagpapatupad ng mga programa sa lokal na antas.

“Hindi natin ito magagawa nang mag-isa. Ang problema ay multi-faceted at nangangailangan ng holistic approach na kinasasangkutan ng bawat ministri, opisina, at ahensya sa BARMM, pati na rin ang mga panlabas na stakeholders,” ani Atty. Jajurie.“ “Lahat ng serbisyo, hindi lamang social services, na mahalaga at karaniwan sa bawat mamamayang Bangsamoro ay dapat tugunan,” dagdag nito.

Ayon sa Ministry, sa kabila ng mahusay na paggamit ng badyet at maayos na pagpapatupad ng strategic plans, nakatuon ang susunod na yugto ng MSSD sa modernisasyon at pagpapalawak ng mga serbisyo upang higit pang mapabilis at mapahusay ang pag-abot sa mga mamamayan. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Provincial Government of Maguindanao del Sur Empowers Corn Farmers Through Training and Equipment Support
Next post MENRE-BARMM at NPC, Nagkaisa para sa Proteksyon ng Lake Lanao Watershed