
Mahigit 800 Kalahok ng MBHTE, Sumailalim sa 3-Day Accreditation Program para sa Technical Officials ng BARMAA 2026

COTABATO CITY (Ika-6 ny Oktubre, 2025) – Naisagawa ng Bureau of Physical Education and Sports Development ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang 3-Day Accreditation Program para sa mga Technical Officials ng Bangsamoro Autonomous Region Athletic Association (BARMAA) 2026.
Isinagawa ang programa mula Oktubre 2–5, 2025 sa Cotabato City Central Pilot School, na dinaluhan ng 813 sports enthusiasts at educators mula sa iba’t ibang dibisyon sa buong rehiyon na pinangasiwaan ni Dr. Yusoph Thong A. Amino, Bureau Direwctor ng Bureau of Physical Education and Sports Development.
Sa Opening Program, pinangunahan mismo ni MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal ang seremonya. Sa kanyang talumpati, hinikayat niya ang mga kalahok na linangin ang potensyal ng mga batang atleta sa Bangsamoro upang maging handa sa pagsabak sa Palarong Pambansa 2026.
Bilang pagpapakita ng suporta, nagkaloob si Minister Iqbal at ang Director General ng MBHTE, si Abdullah “Junn” P. Salik Jr., ng mga cash prize para sa mga nagwagi sa division yell competition, na bahagi ng programa.
Samantala, sa Closing Program, dumalo si Director Joenaj Guine, na nagbigay-inspirasyon sa mga bagong accredited technical officials. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya na ang integridad, pagkakaisa, at disiplina ay pundasyon ng isang mahusay na sports official.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamunuan ng Bureau sa lahat ng Schools Division Superintendents (SDS) na aktibong nagsuporta at nagpadala ng kanilang mga delegado.
“Para sa Batang Bangsamoro,” – isang panawagang patuloy na ginagabayan ang kabataan tungo sa dekalidad na edukasyon at makabuluhang partisipasyon sa larangan ng isports.
Ang accreditation program na ito ay mahalagang bahagi ng paghahanda ng rehiyon sa mga darating na paligsahan, at patunay ng dedikasyon ng MBHTE na mapalakas ang grassroots sports development sa Bangsamoro. (Tu Alid Alfonso,
BMN/BangsamoroToday)