Annual General Assembly ng Committee on Da’wah, matagumpay na isinagawa sa Camp Darapanan

(Larawan mula sa Maguindanao Information Committee
Bal’t Chapter)

COTABATO CITY (Ika-29 ng Setyembre, 2025) — Matagumpay na isinagawa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang taunang General Assembly ng Committee on Da’wah and Masakid Affairs noong Linggo, Setyembre 28, sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ang nasabing pagtitipon ay may temang “Unity is Strengthening”, na layuning suportahan ang political party na United Bangsamoro Justice Party (UBJP), palakasin ang pagpapalaganap ng katuruang Islam, at itaguyod ang pagkakaisa tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng Bangsamoro region.

Pinangunahan ang programa ni UBJP President at MILF Chairman Al-Haj Murad Ebrahim, kasama sina First Vice Chairman Mohagher Iqbal, MILF Second Vice Chairman Alim Ali B. Sulaiman, Shaikh Abdulrauf A. Guialani na Mufti ng Bangsamoro, Shaikh Ibrahim D. Ali Chairman, Committee on Da’wah, Shaikh Muslimin Guiamaden na Wali ng Bangsamoro, Shaikh Said Z. Salendab na syang Chairman ng Board – Hay-atul ‘Ulama, at Shaikh Abdulwahab Mohammad Pak na syang Vice Chairman, Committee on Da’wah, na nagbigay ng Closing Message.

Tinatayang mahigit 30,000 katao mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao ang dumalo, kabilang ang mga Ulama, Imam, at miyembro ng komunidad.

(Larawan mula sa Maguindanao Information Committee
Bal’t Chapter)

Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Ulama at Imam bilang matibay na haligi ng pananampalataya at susi sa paghubog ng maayos at mapayapang pamayanan.

Ayon sa kanila, ang ganitong mga pagtitipon ay mahalaga upang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga religious leaders at komunidad sa pagpapatuloy ng mga programang pang-Da’wah at sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Ang programa ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng MILF, UBJP, at mga Ulama sa pagsusulong ng pagkakaisa at matatag na pananampalataya sa hanay ng Bangsamoro. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UBJP Campaign Rally sa Talayan, Simbolo ng Lumalakas na Suporta ng Bangsamoro sa Partido
Next post FOBWAI Members Renew Bay’ah to Ameerul Mujahideen Alhaj Murad Ebrahim at Camp Darapanan