UBJP Campaign Rally sa Talayan, Simbolo ng Lumalakas na Suporta ng Bangsamoro sa Partido

Mga kababaihan na buong-buo ang suporta sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa ginanap na Campaign Rally sa Talayan, Maguindanao del Sur. (Larawan kuha ni Hannan G. Ariman, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika 27, ng Setyembre 2025) — Libo-libong katao ang dumalo sa matagumpay na campaign rally ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) na ginanap ngayong Sabado sa Talayan Gymnasium, Maguindanao del Sur. Ang nasabing pagtitipon ay layong pagtibayin ang pagkakaisa ng mamamayang Bangsamoro at ipakita ang patuloy na pagsuporta sa mga kandidato ng UBJP para sa nalalapit na halalan sa rehiyon.

Sa kanyang mensahe, nanawagan si MILF Chairman at UBJP President Ahod “Alhaj
Murad” Ebrahim sa publiko na buong pusong suportahan ang partido sa darating na halalan. Aniya, “Ibotó ang UBJP, Party No. 7 sa balota. Ganun din po sa Women Sectoral, at ibotó rin ang mga kandidato ng UBJP sa bawat distrito.”

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkilos ng bawat mamamayan upang matulungan ang mga kandidato ng UBJP na tunay na kumakatawan sa adhikain ng Bangsamoro.

Dagdag pa ni Ebrahim, tungkulin ng bawat isa na panindigan ang layunin ng UBJP upang makamit ang tagumpay. Sa kanyang panawagan sa wikang Maguindanaon ay kinakailangan aniyang mananalo ang UBJP sa eleksyon, “Ya den pagapasen na sekatanu e makataban sa niya ba election. Pamikalan tanu e langon a kandidato na UBJP na makataban.”

Sa kanyang huling pahayag, iginiit niya ang patuloy na pagkakaisa: “Niya ba samaya pangintuman nami lekanu na pamikalan tanu panun kapakataban tanu.”

Samantala, binigyang-diin naman ni Datucan “Mohagher Iqbal” Abas ang kahalagahan ng pagkakaisa sa ilalim ng UBJP. Ayon sa kanya, kailangang manatiling matatag ang Bangsamoro upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Ang pinakamahalaga anya ay mananalo ang UBJP, “Ya den importante siya na makataban e UBJP namba e pinaka number one. Niya ba samaya na lenganin tanu ukit endo bager tanu asar di tanu makandusa.”

Ipinaliwanag naman ni Engr. Mohajirin Ali, information officer head ng UBJP, ang partido ay bunga ng mahabang pakikibaka. “Ang UBJP ay hindi basta ipinanganak o ginawa — ito ay isinilang mula sa mga sakripisyo ng ating mga mujahedeen, mula sa dugo at pawis na pinuhunan para sa kapayapaan at hustisya,” aniya.

Sa kanyang panawagan sa publiko, sinabi niya: “Nananawagan kami sa lahat, bumoto po tayo, lumahok, at sama-sama tayong pumunta sa presinto para bumoto. One Bangsamoro, One Party, One Future.” (Hannan G. Ariman, BMN/BangsamoroToday)
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Rep. San Fernando Questions ‘Ghost’ Accomplishments in OPAPRU Budget: “Peace tables multiply, but none ever close”
Next post Annual General Assembly ng Committee on Da’wah, matagumpay na isinagawa sa Camp Darapanan