Pinsala ng Baha sa BARMM, Sinuri sa Pamamagitan ng Aerial Survey

(Larawan mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Setyembre, 2025) — Isinagawa ng Bangsamoro Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) ang isang aerial survey noong Setyembre 23 upang makita ang lawak ng pinsala dulot ng Tropical Depression Mirasol at Tropical Storm Nando sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Special Geographic Area ng BARMM.

Kasama sa survey ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) at iba’t ibang ahensya ng Bangsamoro government. Bahagi ito ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) na layuning matukoy ang mga apektadong lugar, imprastraktura, daanan, at mamamayan.

(Larawan mula sa MSSD-BARMM)

Pinangunahan ito ng Office of Civil Defense sa tulong ng Philippine Air Force Tactical Operations Group 12, at dinaluhan ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ministeryo at lokal na DRRM offices.

Bilang vice chair ng response cluster ng BDRRMC, tiniyak ng MSSD ang agarang pagresponde sa pamamagitan ng relief operations, house-to-house validation, at profiling ng mga evacuees.

Ayon sa paunang findings ng survey, malawak ang pinsala sa mga sakahan, palaisdaan, at alagang hayop, na naging sanhi ng pagkawala ng kabuhayan at paglikas ng maraming pamilya. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post TPMT: Democratic Process is Core to Bangsamoro Peace; Delays Threaten CAB Gains
Next post 121st Base Command Reaffirms Allegiance to MILF Leadership, Stresses Call for Unity and Discipline