Bangsamoro READi, Tumulong sa Apekatadong Pamilya ng Flash Flood sa Buluan District Hospital

(Larawan mula sa Bangsamoro READi)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Setyembre, 2025) — Nag-deploy ng response team ang Bangsamoro READi at namahagi ng mahigit 300 food packs at hygiene kits sa mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa Women’s Building nitong Biyernes, Setyembre 19.

Ayon sa Bangsamoro READi, ang operasyon ay naisagawa katuwang ang Philippine Red Cross (PRC-Maguindanao at Cotabato City Chapter) at sa pakikipagtulungan ng PDRRMO Maguindanao del Sur.

Ang agarang pag-responde ay bunsod ng pagbisita ni Director Muhammad Farzieh Abutazil ng Bangsamoro READi, kasama ang kanyang team, sa mga apektadong mamamayan na lumikas mula sa Buluan District Hospital matapos ang biglaang pagbaha noong Setyembre 18, 2025.

Ayon sa report, si Dir.ector Abutazil ay nakipagpulong kay Vice Governor Ustadz Hisham Nanndo ng Maguindanao del Sur at sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Windy Beaty para pag-usapan ang mga agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya at tiyakin ang maayos na koordinasyon sa paghahatid ng tulong.

Samantala, nagpapasalamat din ang Bangsamoro READi sa pakikipagtulungan ng PRC Maguindanao at Cotabato City sa pamumuno ni Roselyn Gayong upang maayos ang pamimigay ng relief assistance sa mga apektado, na malaki ang naitulong nito kasunod ng pagtalima sa kasalukuyang election ban sa pamimigay ng ayuda.

Sa pahayag ng Bangsamoro READi, anila, ay patuloy ang koordinasyon sa mga katuwang na ahensya, lokal na pamahalaan, at humanitarian partners upang matiyak ang tuluy-tuloy na pagbibigay ng tulong at serbisyo para sa mga naapektuhan ng kalamidad sa rehiyon ng Bangsamoro. (BMN/BangsmaoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MIT-Marawi Students, Lumahok sa Session ukol sa Kasaysayan ng Bangsamoro at Voters’ Education sa Marawi City