
ICM Macacua, Nilagdaan na bilang batas ang Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 (BAA Blg. 77)

COTABATO CITY (Ika-28 ng Agosto, 2025) — Nilagdaan ngayong araw, Agosto 28, 2025, ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof A. Macacua ang Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 o Bangsamoro Autonomy Act No. 77.
Ang batas na ito, na may pamagat na “An Act Reconstituting the Parliamentary Districts in the BARMM, Amending for the Purpose BAA No. 58,” ay nag-amyenda sa Bangsamoro Autonomy Act No. 58 na orihinal na lumikha ng mga parliamentary district sa rehiyon.
Layunin ng bagong batas na muling hatiin ang pitong (7) distrito na dating nakalaan para sa lalawigan ng Sulu, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nag-alis sa Sulu bilang bahagi ng BARMM.
Sa ilalim ng BAA Blg. 77, ang bagong distribusyon ng 32 single-member parliamentary districts sa rehiyon ay ang sumusunod:
• Siyam (9) para sa Lanao del Sur,
• Lima (5) para sa Maguindanao del Norte,
• Lima (5) para sa Maguindanao del Sur,
• Apat (4) para sa Basilan,
• Apat (4) para sa Tawi-Tawi,
• Tatlo (3) para sa Lungsod ng Cotabato, at
• Dalawa (2) para sa Special Geographic Area.
(BMN/BangsamoroToday)
Basahin ang buong Bangsamoro Autonomy Act No. 77 sa Bangsamoro Gazette: https://officialgazette.bangsamoro.gov.ph/2025/08/27/bangsamoro-autonomy-act-no-77/