734 Guro at Kawani ng MBHTE, Itinalaga sa Lamitan City, Basilan, Tawi-Tawi, at Maguindanao del Sur

(Litrato kuha ni Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika-27 ng Agosto, 2025) — Isinagawa ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang Mass Signing of Appointments at Oath-Taking Ceremony para sa kabuuang 734 bagong hirang na teaching at non-teaching personnel mula sa mga Schools Division Office (SDO) ng Basilan, Lamitan City, Tawi-Tawi, at Maguindanao del Sur ngayong araw, Agosto 27.

Ang aktibidad ay ginanap sa Cotabato State University Gymnasium at dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng MBHTE sa pangunguna ni Minister Mohagher M. Iqbal. Samantala, ang mga appointee mula sa Tawi-Tawi SDO na hindi nakadalo nang personal ay lumahok sa seremonya sa pamamagitan ng online platform.

Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Deputy Minister Haron S. Meling ang mga responsibilidad ng mga bagong hirang. Aniya, “I challenge you to live up to the expectations of the MBHTE and to continue your passion to uplift the lives of the Bangsamoro youth, (Hinahamon ko kayo na tugunan ang mga inaasahan ng MBHTE at ipagpatuloy ang inyong dedikasyon sa pag-angat ng buhay ng kabataang Bangsamoro.)”

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Minister Iqbal ang mahalagang papel ng mga guro sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa rehiyon: “One of the most important factors in delivering quality education is the competence of our teachers. No matter how adequate our classrooms and textbooks may be, if a teacher does not teach effectively and wholeheartedly, our learners will not be able to reach their full potential, (Isa sa pinakamahalagang salik sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon ay ang kahusayan ng ating mga guro. Kahit gaano pa karami ang ating silid-aralan at aklat, kung hindi mahusay at taos-pusong magtuturo ang ating mga guro, hindi makakamit ng mga mag-aaral ang kanilang buong potensyal,” ani Iqbal.)”

Binigyang-diin din niya na ang tunay na sukatan ng edukasyon ay nasusukat sa kakayahan ng mga guro na magbigay-inspirasyon, gumabay, at magbahagi ng kaalaman. Kasabay nito, nanumpa rin ngayong araw ang 40 na newly hired at promoted personnel ng MBHTE.

Ipinahayag ng Ministry ang tiwala nito sa mga bagong talagang kawani at umaasa itong magiging mahalagang ambag sila sa patuloy na paghubog ng kinabukasan ng kabataang Bangsamoro. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Unmasking Political Sabotage: The Fight for Bangsamoro Self-Determination Amid External and Internal Challenges
Next post Ballot Printing for Bangsamoro Elections Begins Today – COMELEC