Committee on Noble Qur’an Affairs, Nagdaos Ng General Assembly at Honoring Ceremony sa mga Huffaz

(Litrato mula sa FB page ni Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando)

COTABATO CITY (Ika-26 ng Agosto, 2025) — Matagumpay na isinagawa ang General Assembly at Honoring Ceremony para sa kabuuang 716 Huffaz o mga batang nakapag-saulo ng Banal na Qur’an noong Agosto 23, araw ng Sabado sa Municipal Gymnasium ng Buluan, Maguindanao del Sur.

Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng Committee on Noble Qur’an Affairs at dinaluhan ng mga batang lalaki at babae mula sa iba’t ibang Marakadz sa ilalim ng nasasakupan ng Damakling Province.

Binigyang-pugay ang mga Huffaz bilang pagkilala sa kanilang kahusayan, dedikasyon, at sakripisyo sa pagsasaulo ng buong Qur’an. Isa itong mahalagang hakbang sa pagpapaigting ng Qur’anic Education sa rehiyon.

Bilang patunay ng kanilang suporta sa edukasyon, personal na dumalo sa nasabing programa si Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Qur’anic education bilang pundasyon sa paghubog ng mga kabataang may matibay na pananampalataya at may takot sa Panginoon (Allah S.W.T).

Ayon kay Ustadz Nando, bahagi ng kanilang 100 Days Priority Program ang pagpapalakas ng sektor ng edukasyon, kabilang na ang Islamic education, bilang pangunahing adbokasiya ng kanyang panunungkulan.

Inaasahan ang patuloy na suporta ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa mga ganitong programa na nakatuon sa edukasyon, lalo na sa pagpapaunlad ng Islamic Education sa buong lalawigan. (Norhainie S. Saliao, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Panukalang Bigyan ng Kapangyarihan ang Pangulong Marcos Jr. sa Pagpili ng ilang Miyembro ng Bangsamoro Parliament, Kinontra ni Atty. Montesa
Next post Multi-Stakeholders in Lanao Oppose Redistricting Bill No. 351, Urge ICM Macacua Not to Sign the Legislation