Jamiat Parang Al-academy, Isinagawa ang 1st Grand Multaqa sa Gymnasium ng Parang MDN

(Litrato kuha ni Noron M. Rajabuayan, BMN/BnagsamoroTiday; cover photo courtesy of Abu Arham)

COTABATO CITY (Ika-25 ng Agosto, 2025)—Isinagawa ng Jamiat Parang Al-academy ang 1st Grand Multaqa na dinaluhan ng mahigit 1,400 na residente na nagmula sa ibat-ibat munisipalidad ng Maguindanao del Norte, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa programa na pagpapalaganap ng katuruan sa Islam, ito ay ginanap sa Parang Gymnasium, Parang Maguindanao del Norte noong Agosto 24, 2025.

Ang nasabing programa na pinamagatang “Why must Aqeeda come first?” ay pinangunahan ng mga ulama na nakapagtapos ng kanilang Bachelors degree sa ibang bansa, kabilang dito si Sheikh Qamarudin Abdulkarim, Shiekh Muhammad Ata Abdulkarim, Sheikh Hisham Ali Antao, Sheikh Ahmad Nur Salindawan, Sheikh Abduljalil Faker (Abu Mueen) at Sheikh Abdullah Abdulnasser Guinal, na silang nagbigay ng Da’wa (Lecture) patungkol sa Aqeeda (Islamic Belief).

Layunin nito na makapagbigay ng Da’wah sa mga residente upang maipalaganap ang
katuruan ng Islam.

Binigyang-diin ni Sheikh Hisham ang tungkol sa mga kabataan na wala sa kanila ang aqeeda at maraming kabataan ngayon ang nagsusuot ng awrat (hindi ka nais-nais na pananamit na ipinagbabawal ng Islam).

Nabanggit din nito ang patungkol sa Moral governance, anya, “Basta dingka makilala sa mapiya so Allah SWT., tapos politician ka na kabaluy ka kurakot, (kapag Hindi mo lubos kilala ang Allah SWT., tapos ikaw ay politician ay magiging corrupt ka).” (Noron M. Rajabuayan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post UBJP Convenes Strategic Meeting with District Representatives Ahead of BARMM Parliamentary Elections
Next post Panukalang Bigyan ng Kapangyarihan ang Pangulong Marcos Jr. sa Pagpili ng ilang Miyembro ng Bangsamoro Parliament, Kinontra ni Atty. Montesa