Unang Multi-Hazard Disaster Response Plan, Inilunsad sa Bangsamoro

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-21 ng Agosto, 2025) — Inilunsad ng Bangsamoro Government noong Agosto 20, 2025, ang Bangsamoro Disaster Response Plan (BDRP) — ang kauna-unahang komprehensibong plano ng rehiyon para sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng sakuna, likas man o gawa ng tao.

Layunin ng BDRP na gabayan ang mga ahensya ng BARMM sa pagtugon sa mga kalamidad tulad ng baha, landslide, bagyo, lindol, at iba pang panganib. Saklaw nito ang bawat yugto ng disaster response — mula sa paghahanda, hanggang sa aktwal na pagtugon, at pagbangon pagkatapos ng sakuna.

Pinangungunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang mga pangunahing bahagi ng plano, lalo na sa proteksyon ng mga internally displaced persons (IDPs), pamamahala ng mga evacuation site, at pamamahagi ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan.

Ayon kay Minister Raissa H. Jajurie, “Ang planong ito ay isang patunay ng ating kolektibong pangako at responsibilidad. Hindi lamang ito isang piraso ng dokumento, kundi isang pangako sa kaligtasan ng ating komunidad.” 

Bilang suporta sa layuning ito, nakipagtulungan ang iba’t ibang ahensya, sa pangunguna ng Bangsamoro READi, kasama ang UNICEF at Korean Government sa pamamagitan ng KOICA, para sa pondo at teknikal na tulong.

Layon ng BDRP na patatagin ang kakayahan ng rehiyon at mga LGU sa emergency response, maprotektahan ang buhay, at mapabilis ang pagbangon mula sa mga krisis. (BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Vice Governor Ustadz Nando Inspires BIAF Officers in School of Peace and Democracy Training
Next post Project TABANG Namahagi ng Tulong-Bigas sa mga Pamayanan sa Shariff Saydona Mustapha