PENREO Tawi-Tawi, Matagumpay na Nagsagawa ng Tree-Growing Activity sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi

(Litrato mula sa MENRE-BARMM)

COTABATO CITY (IKA-13 ng Agosto, 2025) – Mahigit 1,500 punla ng mga katutubong species ng puno ang matagumpay na naitanim ng Provincial Environment, Natural Resources, and Energy Office (PENREO) – Tawi-Tawi sa mga barangay ng Parangan at Balimbing, sa bayan ng Panglima Sugala, noong Agosto 11, 2025.

Kabilang sa mga naitanim na species ay ang Heritiera spp (Lumbaya/Bahanan), Pisonia spp (Anuling/Tulingan), at Pterocarpus spp (Narra). Layunin ng aktibidad na itaguyod ang reforestation at mapalakas ang resilience ng komunidad laban sa epekto ng climate change.

Pinangunahan ang tree-growing activity ng mga technical staff ng PENREO District II sa pamumuno ni CENRE Officer Abdulmukim Maruji, habang si Chief Forester Ernest D. Sali ang namahala sa wastong implementasyon ng pagtatanim.

Bahagi ito ng mas malawak na programa ng Ministry of Environment, Natural Resources (MENRE) para sa conservation ng biodiversity, coastal protection, at sustainable environmental stewardship.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtitibay ng MENRE-Tawi-Tawi ang kanilang paninindigan bilang tagapangalaga ng likas na yaman, na nagsusulong ng kolektibong aksyon tungo sa mas luntiang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon. (Noron M. Rajabuyan, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Mga Isyu, Tinalakay sa Forum ng Project SALAM Bangsamoro Focal Persons
Next post Bangsamoro Youth Commission, Ibinida ang mga Nagawang Accomplishment sa State of the Bangsamoro Youth Address