Mga Isyu, Tinalakay sa Forum ng Project SALAM Bangsamoro Focal Persons

(Litrato mula sa Project SALAM FB Page)

COTABATO CITY (Ika-13 ng Agosto, 2025) — Sa pangunguna ni Ustadz Nhorul Am A. Abdullah, Program Manager ng Project SALAM Bangsamoro, matagumpay na naisagawa ang Forum ng mga MILF-BIAF focal persons noong Hulyo 11, sa Robinson’s Function Hall, Mall of Alnor, Cotabato City.

Layunin ng forum na ito na talakayin ang mga suliraning kinakaharap ng mga focal persons sa ground, at maglatag ng mga konkretong hakbang upang mas mapabisa ang implementasyon ng mga programa ng Project SALAM.

Isa sa mga napagtuunang-pansin ay ang hinaing ng ilang focal persons na kulang sila sa kapangyarihang isakatuparan ang kanilang mga tungkulin. Anila, nawawalan ng saysay ang kanilang posisyon dahil sa kakulangan ng malinaw na mandato at awtoridad.

Tumugon si Ustadz Abdullah sa mga isyung ito sa pamamagitan ng mungkahing rebisahin ang policy guidelines ng Project SALAM, upang maipagkaloob ang nararapat na kapangyarihan sa mga focal persons.

“Mas magandang baguhin muna ang policies guidelines sa Project SALAM Bangsamoro upang mabigyan ng kapangyarihan ang mga focal persons na gampanan ang kanilang tungkulin sa ground,” ayon kay Ustadz Abdullah.

Inanunsyo rin niya ang planong makipagpulong sa kinatawan mula sa opisina ng Chief Minister upang harmonisahin ang mga patakaran.

“We will be conducting a meeting together with the representative from the office of the Chief Minister to harmonize the guidelines,” ani Ustadz Abdullah.

Sa pagtatapos ng forum, nagpasalamat ang mga focal persons sa pagkakataong maipahayag ang kanilang mga saloobin at suliranin, at umaasa sila na magkakaroon ito ng positibong epekto sa kanilang trabaho sa ground. (Norhainie S. Saliao, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 110 Anak ng mga Mujahideen, Nagtapos sa Comprehensive Youth Transformation Program
Next post PENREO Tawi-Tawi, Matagumpay na Nagsagawa ng Tree-Growing Activity sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi