MAFAR– BAFTI, Nagsagawa ng Training of Trainers para sa Pagpapahusay ng Serbisyo ng Technical Staff

(Photo courtesy of MAFAR-BARMM and Ben Mando FB Page)

COTABATO CITY (Ika-8 ng Agosto, 2025) – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na magtayo ng matatag na pundasyon para sa dekalidad na pagsasanay sa agrikultura at pangingisda sa Bangsamoro region, inilunsad ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform – Bangsamoro Agriculture and Fisheries Training Institute (MAFAR-BAFTI), katuwang ang Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) Regional Training Center XII, ang tatlong-araw na Training of Trainers (TOT) para sa mga technical staff ng BAFTI nitong ika 5 hanggan 7 ng Agosto.

Ang layunin ng TOT ay palakasin ang kakayahan ng mga personnel ng BAFTI sa paggawa ng training design, pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa agrikultura, at pagpapahusay ng facilitation skills ng mga extension workers sa agrikultura at pangingisda.
Ayon kay Daud K. Lagasi, Assistant to the Executive Director ng BAFTI, “This training is one of the major steps of the BAFTI towards its journey in the operationalization of the training institute in Bangsamooro.”

Binigyang-diin naman ni Pendatun S. Patarasa, MAFAR Director General para sa Fisheries Services at OIC Executive Director ng BAFTI, ang kahalagahan ng pagpapalakas muna ng sariling kakayahan bago makapag sanay ng iba.

“This journey is very crucial. Before we can train others, we must first ensure that we are well-prepared and fully capable,” wika ni DG Patatasa. Dagdag pa niya, mahalaga ang maayos na training design para sa matagumpay at pangmatagalang epekto ng mga programa.
Hinimok din niya ang mga kalahok na gampanan ang kanilang tungkulin ng may malasakit at responsibilidad, dahil mahalagang maunawaan at matugunan ang totoong pangangailangan ng mga extension workers sa rehiyon.

Nagpasalamat din siya sa tuloy-tuloy na suporta ng ATI-RTC XII sa pagtulong sa BAFTI na mapaunlad ang kakayahan at kaalaman ng kanilang institusyon. (Juhanie G. Guialal, OJT MSU Islamic Studies Students, BMN/BangsamoroToday)



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD agad Nagpa-abot ng Tulong sa Pamilyang Biktima ng Sunog sa Cotabato City
Next post MOST Acting Minister Usop, Nagpasalamat kay Chief Minister Macacua sa Pagkilala sa Kontribusyon ng Ministeryo sa BARMM