MSSD agad Nagpa-abot ng Tulong sa Pamilyang Biktima ng Sunog sa Cotabato City

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-7 ng Agosto, 2025) — Matapos mangyari ang sunog sa Purok Datukaka, Poblacion I, dito sa Lungsod araw ng Miyerkules ay agad  nagsagawa ng spot mapping at Emergency Shelter Assessment ang Ministry of Social Services and Development (MSSD).

Isinasagawa ng MSSD ang Internally Displaced Persons (IDPs) Profiling, Assessment, and Response Tracking (iPART) upang matukoy ang agarang at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan.

Sa unang datos na nakuha ng MSSD ay sinabi nito na abot sa 24 pamilya ang naapektuhan at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Fish Landing, Poblacion I. Sa kabuuan, 11 bahay ang partially damaged habang 6 naman ang totally damaged.

Matapos ang isinagawang rapid assessment ng ahensya, kahapon ay namahagi ang MSSD ng mga non-food items, kabilang ang water kits, hygiene kits, at dignity kits para sa apektadong 24 na pamilya o katumbas ng 60 indibidwal.

Ayon pa MSSD bukod sa mga gamit na ibinigay ng tanggapan ay nagkaloob rin ang MSSD ng pansamantalang tirahan para sa mga nasunugan habang patuloy ang rehabilitasyon ng kanilang mga tahanan.

Samantala, humingi rin ng tulong sa Project TABANG si Barangay Chairman Abdillah Lim at nagbigay na rin sya ng gabay sa kanyang mga kagawad sa dapat gawin para maging maayos ang kalagayan ng biktima ng sunog.

“Gusto ko tingnan natin kung anong immediate na pangangailangan ng ating mga kababayan, kailangan makatulong tayo sa ating mga tao, atin yan at tayo ang dapat manguna,’ wika nito sa isang briefing. Gusto ko lahat ng ating health worker magbaba kayo, mag-assign kayo ng kung sino ang magluto, tapos kailangan natin yung disposable na baso…,” dagdag ni Chairman Lim. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post 48 Unlad Program Beneficiaries Receive Rice Subsidy in Ligawasan
Next post MAFAR– BAFTI, Nagsagawa ng Training of Trainers para sa Pagpapahusay ng Serbisyo ng Technical Staff