ILO at MBHTE, Nagsagawa ng Pagbisita sa Alternative Learning System Center sa Poblacion 9, Cotabato City

(Litrato kuha ni Maricel G. Salik at Noraisa Mohammad, OJT MSU Islamic Studies Students, BMN/BangsamoroToday)

COTABATO CITY (Ika -31 ng Hulyo, 2025) —Isinagawa ang Learning intervention na  pinangunahan ng International Labour Organization (ILO) katuwang ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) sa pamamagitan ng Basic Education-Alternative Learning System sa halos 60 Child labour sa Barangay Poblacion 9, ng Lungsod.

Bumisita ang ILO at MBHTE Office of the Director General ng Basic Education kasama si Elias Salazar at Tu Alfonso kahapon sa lugar upang personal na masaksihan ang pag-aaral ng mga eatudyante.

Ayon sa programa ng ILO naglalayong magbigay suporta para sa mga child labour na nawalan ng pag-asa na makapag-aral, kasama ang MBHTE Bureau of Alternative Learning System na patuloy ang kanilang pag suporta. Naniniwalang ang edukasyon ay para sa lahat, wala sa kasarian, wala sa edad hanggat hindi pa sila naka pagtapos ng pag-aaral ng elementarya, sekondarya ay bibigyan ng oportunidad na makilahok sa programa.

Isa si Abdulnasser D. Dimaukom na guro ng Alternative Learning System (ALS) mula sa Schools Division ng Cotabato City na boluntaryong nagtuturo sa mga estudyante tuwing hapon na Miyerkules.

“Layunin natin na bigyan ng libreng edukasyon  na magkahalintulad din sa normal na edukasyon, ang out of school youth dito sa Cotabato City,” ani Dimaukom.

“Noong 2018 nagkaroon  kami ng community mapping dito para tingnan ang situation, nakita nga namin na may ouf of school, unfortunately una po kulang kami ng teachers, pangalawa po nahihirapan kami mag organize ng learning center dito,” dagdag nito.

Maliban sa pag-aaral ng mga estudyante ay may ibinigay din ang ILO na Livelihood Program sa mga residente na bumuo ng kooperatiba tulad na duck raising at floating gardening na napapakinabangan ng mga miyembro ng kooperatiba. Ayon sa ILO malaki ang tulong na ginagampaman ng Cotabato City LGU, BLGU, at opisyales ng kooperatiba sa lugar, kabilang ang partisipasyon ng mga estudyante.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang lahat sa makabuluhang programa  at sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng alternative learning system. Nagkaisa rin ang mga dumalo sa programa na patuloy na magsanib-puwersa sa pagpapalaganap ng impormasyon, edukasyon, at partisipasyon ng mamamayan sa BARMM region. (Maricel G. Salik at Noraisa Mohammad, OJT MSU Islamic Studies Students, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Basilan CSO Leaders Back Bangsamoro Civil Society Engagement Act of 2025
Next post Bangsamoro Parliament’s Committee on Amendments, Revision, at Codification of Laws and Committee on Local Government, Muling Bunuksan ang Usapain sa Parliament Bill No. 351