
MBHTE, Namahagi ng Learner’s Kit sa Pilot Provincial Science High School & Technology

COTABATO CITY (Ika-22 ng Hulyo, 2025) — Isinagawa ang pamamahagi ng Learner’s Kit sa loob ng programang Project IQBAL ng Ministry of Basic Higher and Technical Education (MBHTE) ngayong araw ng Martes sa mga mag-aaral ng Pilot Provincial Science High School & Technology, Tamontaka 1, Cotabato City.
Pinangunahan ito ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal upang matulungan ang mga bata sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang school supplies. Layunin nitong matiyak na may sapat na gamit ang bawat mag-aaral upang mas lalo silang gumaling sa kanilang pag-aaral dahil wala na itong mga alalahanin sa pagbili ng gamit sa pag-aaral.
Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni ISAL Teacher Benjamin K. Abdulrahman. Sinundan naman ito ng mga pananalitang pagbati ni Principal II Shierly S. Yusop, PhD. Naghatid naman ng mensahe ang representante ng Director General for Basic Education sa pamamagitan ni Alih Anso. Nagbigay din ng mensahe si School Division Engr. Naguib S. Mamoribid. Ang kanilang mga talumpati ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon at ang suporta ng pamahalaang Bangsamoro sa mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang mapapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilot Provincial Science High School & Technology. Ang pagbibigay ng mga Learner’s Kit ay lubos na nasiyahan ang mga batang mag-aaral, kanilang ipinaparating ang kanilang pasasalamat na: “Thank you MBHTE, Thank you Minister Mohagher Iqbal, Pagpalain Bangsamoro”.
Ang Programa ay isang malaking tulong sa mga mag-aaral, lalo na sa mga nangangailangan. Layunin nitong magbigay ng inspirasyon sa mga bata na magsikap sa kanilang pag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap. (Alfaried E. Abdullah at Benladin D. Mantulino, OJT MSU Islamic Studies Students, BMN/BangsamoroToday)