MP Sema, Naghandog ng Libreng Serbisyong Medikal sa RH 8, Cotabato City

(Litrato mula sa FB ni MP Romeo K. Sema, SPA)

COTABATO CITY (Ika-20 ng Hulyo, 2025) — Tuloy-tuloy lang ang paghatid ng inklusibong Libreng Serbisyong Medikal sa bawat residente na nangangailangan ng Tanggapan ni MP Romeo K. Sema, DPA at nitong Sabado kahit bumuhos ang ulan ay namahagi parin sa mga residente ng Rosary Heights 8 ng lungsod.

“Patuloy nating isinusulong ang mga makabuluhang programa at plano na inilunsad mula nang maitatag ang Gobyerno ng Bangsamoro anim na taon na ang nakalipas,” pahayag ni MP Sema.

“Tayo po ay patuloy na nakikiisa sa adhikaing maghatid ng tunay at makataong serbisyo sa taumbayan,” dagdag nito.

Ang programa ay eksklusibo para sa mga residente ng Rosary Heights 8, sa mahigpit na pakikipagtulungan sa mga Barangay Opisyal, katuwang ang iba’t ibang organisasyon at ahensya.

Sa bawat assistive device na naipamahagi sa mga residenteng nangangailangan, “ating naipapasa ang mensahe ng gobyerno:
Ang pag-asa sa buhay ay makakamit — sa tuloy-tuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa,” wika ni MP Sema.

Kabahagi ng serbisyong inihandog ng kanyang tanggapan ang pamamahagi ng assistive devices (wheelchairs, crutches), Libreng medical consultation, Blood pressure monitoring, Libreng gamot, Libreng antipara (reading glasses), Libreng business advisory para sa gustong magsimula ng maliit na negosyo, at Libreng gupit.

Sa ika-51 Taon ng Buwan ng Nutrisyon, namigay din si MP Sema ng Complementary Food Boxes para sa mga bata at kababaihan, NutriMed supplements para sa mga buntis at nagpapasusong ina sa kanilang mga sanggol, at Nutritional counseling para sa buong pamilya.

Katuwang ng programa na kanya ring pinasalamatan ang City Health Office of Cotabato, Ministry of Health – BARMM, Sabon Station Cotabato City-BARMM Branch, Brgy. Captain Alan B. Arumpac, Rosary Heights 8 at 16RCDG – BARMM. (Tu Alid Alfonso, BMM/BangsamoroToday )

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post PENRE Office sa Basilan, Kinumpirma ang NPC Barge 109 na sumusunod sa Clean Air Act
Next post MILF’s Ad-Hoc Joint Action Group provides updates on the Bangsamoro Peace Process to 110th Base Command Eastern Mindanao Front