Senator Pangilinan nakipagpulong kay dating BARMM Chief Minister Ebrahim, UBJP VP for Central Mindanao Iqbal, sa Pagpapaigting ng Suporta sa Agrikuktura at Pangisdaan sa BARMM, Mindanao

(Litrato mula sa Facebook page ni Kiko Pangilinan)

COTABATO CITY (Ika-17 ng Hulyo, 2025) — Nakipagpulong si Senator Kiko Pangilinan kina dating BARMM Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim, UBJP VP for Central Mindanao Mohagher Iqbal, at iba pang mga opisyal ng BARMM para talakayin ang mas pinalakas na suporta para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa rehiyon, gaya ng agri-credit at crop insurance, imprastruktura, suporta sa sustainable practices at climate resilience, mas malawak na market access, at kapayapaan at kaunlarang nakaugat sa kabuhayan.

Sa social media post ni Sen. Pangilinan, anya pinapakain ng Mindanao ang buong bansa, at ang BARMM ang seafood stronghold nito, lalo na sa seaweed, tuna, at iba pang high-value marine products.

“Kung nais nating bumaba ang presyo ng pagkain at masigurong sapat ang suplay, kailangang suportahan natin ang mga magsasaka at mangingisda ng buong Mindanao, lalo na sa BARMM,” wika nito.

Nagpasalamat si Sen. Pangilinan sa opisyales ng BARMM kasama si MENRE Minister Akmad “Toks” Brahim sa nasabing napakahalagang pagpupulong sa patuloy na pakikipagtulungan ng Pambansang Pamahalaan at Bangsamoro.

“Maraming salamat sa mga opisyal at lider ng BARMM! Patuloy tayong makikipagtulungan sa mga pamahalaang lokal, kooperatiba, at civil society organizations para matiyak na ang mga batas at patakaran ay tumutugon sa mga hamon at nagpapaunlad ng potensyal ng buong rehiyon,” pahayag ni Sen. Pangilinan.

Anya pa, “Food security is national security. At ang BARMM at buong Mindanao ay mahalagang bahagi ng solusyong ito.” (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BTA Committee on Justice’s Technical Working Group on Transitional Justice and Reconciliation Holds Public Hearing for Maguindanao del Norte
Next post MSSD, Binigyan ng Tulong ang Pamilyang Nasunugan sa Malabang, LDS