
₱18.5M Bangsamoro Endowment, Call and Guidance Center itatayo sa Cotabato City, Suportado ni MP Benito

COTABATO CITY (July 15, 2025) — Buong suporta ang ipinahayag ni Member of Parliament Abdulbasit R. Benito sa official launching araw Lunes, ng Bangsamoro Endowment, Call, and Guidance Center, na tinawag niyang isang mahalagang hakbang sa kolektibong pagsusumikap upang palakasin ang pananampalatayang Islam at ang papel ng Da’wah sa buong rehiyon ng Bangsamoro.
Ang bagong pasilidad na ito ay nakalaan para sa mga Ustadz at Ulama na aktibong nagpapalaganap ng mga turo at prinsipyo ng Islam. Ito ay naisakatuparan sa pamumuno ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, na may layuning paigtingin ang pagkakaisa at koordinasyon ng mga Da’e ng Islam sa rehiyon at suportahan ang kanilang misyong ipalaganap ang tunay na kaalaman at pagsasabuhay ng Islam sa bawat pamayanan ng Bangsamoro.

Sa pahayag ni Chief Minister Macacua, isa anyang malaking karangalan sa kanya na pangunahan ang launching ng Bangsamoro Endowment, Call and Guidance Center na isang space na nakalaan para sa mga Ustadz at Ulama na patuloy na gumagabay sa bawat isa tungkol sa turo ng Islam.
“Ang objective ng center na ito ay mas palakasin ang Da’wah sa buong rehiyon at bigyang suporta ang mga taga Da’wah sa Bangsamoro at karatig na mga lugar,” anya pa.
Sinabi ni Chief Minister Macacua na ang BARMM ay naglaan ng ₱18.5M para sa pasilidad na itatayo malapit sa Grand Mosque sa Kalanganan II, Cotabato City. At opining I nito na isa ito sa mga proyektong nakaugat sa principles ng Moral Governance at pagpapatuloy ng mga repormang sinimulan ni Former Chief Minister Ahod Ebrahim.

Pinuri naman ni MP Benito ang layunin ng proyekto, na kanyang binigyang-diin sa kanyang pahayag: “Ang Center na ito ay hindi lamang gusali—ito ay isang sagisag ng ating kolektibong pananagutan upang isulong ang moralidad, palakasin ang ating mga pagpapahalagang Islamiko, at tiyaking makarating ang kaalaman tungkol sa Islam sa bawat tahanan.” (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)