MP Estino Nagsagawa ng Courtesy Visit sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tawi-Tawi para sa UBJP Voters Education

(Litrato mula sa Tawi-Tawi Provincial Government Facebook page)

COTABATO CITY (Ika-13 ng Hulyo, 2025) — Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tawi-Tawi, sa pamamagitan ni Board Member Hon. Melham J. Masdal na kumakatawan kay Gobernador Yshmael “Mang” I. Sali, ay malugod na tinanggap ang Miyembro ng Parliament na si Matarul M. Estino ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at ang kanyang delegasyon noong Hulyo 11, sa Governor’s Conference Room, Capitol Building, Bongao.

Binigyang-diin sa pagbisita ang plano ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) na magsagawa ng komprehensibong voter education campaign sa buong isla ng lalawigan.

Sa facebook post ng PLGU ng Tawi-Tawi, inilahad nito na ang inisyatiba ay naglalayong itaas ang kamalayan sa mga nasasakupan tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad sa elektoral sa ilalim ng Bangsamoro Electoral Code.

Dagdag dito, ang programa anila ay naglalayong palakasin ang demokratikong partisipasyon sa paghahanda para sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections at upang itaguyod ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. Target ng kampanya ang mga pangunahing sektor, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, kabataan, manggagawa, at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Navigating the Challenges of Divide-and-Rule Tactics: Lessons from the Irish Republican Army for the Moro Islamic Liberation Front. (Divide and Rule Tactics last part of 3 parts)