Tatlong araw na Pagsasanay sa Pagsagip ng mga Pawikan at Dugong sa Zamboanga del Norte, isinagawa ng MENRE

(Litrato mula sa MENRE)

COTABATO CITY (Ika-9 ng Hulyo, 2025) — Isinagawa sa Zamboanga del Norte ang isang hands-on training-workshop para sa mga tauhan ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) ang tatlong araw na Marine Wildlife Assessment, Response and Rescue Training na ginanap noong Hunyo 23-25.  

Ang pagsasanay ay nakatuon sa tamang pagsagip at paghawak ng mga na-stranded na pawikan at dugong sa baybayin. Sa pahayag ng MENRE na ang pagsasanay, na pinagsamang inorganisa ng Marine Wildlife Watch of the Philippines (MWWP) at MENRE, ay ginanap sa loob ng isang Marine Protected Area (MPA).  

Layunin nitong palakasin ang teknikal at lokal na kakayahan sa konserbasyon ng marine wildlife sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagkilala ng species, pagtatasa ng pugad, unang pagtugon, tamang paghawak at dokumentasyon alinsunod sa umiiral na mga pambansang batas sa wildlife, kabilang ang RA 9147 at RA 8550 na sinususugan ng RA 10654.

Mahalaga ang mga pawikan at dugong sa ekolohiya ng karagatan, nagpapanatili ng malulusog na seagrass beds at coral reef ecosystem. Ngunit, nanganganib ang mga ito dahil sa pagkasira ng tirahan, bycatch (hindi sinasadyang mahuli sa pangingisda), ilegal na kalakalan, at pag-unlad ng imprastraktura sa mga baybayin.  Ang hindi tamang paghawak sa panahon ng pagsagip ay maaaring magdulot ng karagdagang pinsala at mabawasan ang kanilang tsansa na mabuhay.

Ang pagsasanay na ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kaalaman ng mga tauhan ng MENRE at mga opisyal ng protected area pamamahala ng hatchling at nesting, pati na rin ang naaangkop na mga pamamaraan ng pagliligtas at dokumentasyon para sa mga na-stranded na wildlife sa dagat.

Plano ng MENRE na magsagawa ng katulad na pagsasanay sa iba pang mga probinsya upang matiyak ang patuloy na suporta para sa proteksyon at pagsagip ng marine wildlife sa buong bansa. (Jiego B. Mama – OJT MSU-AB Islamic Studies, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Office of MP Benito Successfully Conducts Legislative Consultation with CSOs in Lanao del Sur on Proposed Civil Society Engagement Act
Next post Divide and Rule: A Timeless Strategy with Modern Implications (Part 1-Divide and Rule Tactics)