MSSD namahagi ng cash assistance sa 255 informal sector workers sa bayan ng Tugunan at Honoraria sa 17 CDWs, 8 PSWs

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-3 ng Hulyo, 2025) — Nakatanggap ng tig-PhP2,750 cash assistance mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa ilalim ng Cash-for-Work (CFW) Program noong June 26, 2025 ang 255 informal sector workers mula sa bayan ng Tugunan ang na isinagawa sa 5H Convention Center, Barangay Manaulanan, Tugunan.

Sa social media post ng MSSD ay inihayag nito na ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Tugunan Municipal Social Welfare Office. Ang mga benepisyaryo ay nagserbisyo ng 10 araw at tumutok sa mga gawaing may kinalaman sa disaster preparedness and mitigation, tulad ng paglilinis ng drainage, pagtatayo ng bakod, pagtatanim ng puno, coastal clean-up, light construction, at paglalagay ng WASH (Water, Sanitation and Hygiene) facilities gaya ng palikuran at handwashing stations.

Dagdag pa ng MSSD na ang Cash-for-Work ay isa sa mga social intervention programs ng ministry na tumutulong sa mga displaced, disadvantaged, at distressed individuals sa mga barangays. Layunin nito na makapagbigay ng short-term employment sa pamamagitan ng community-based projects, kapalit ng cash assistance na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang naglilingkod sa kanilang sariling komunidad.

Samantala, noong Hunyo 24, ay namahagi ng honoraria ang MSSD sa pamamagitan ng Datu Saudi Ampatuan Municipal Social Welfare Office para sa 17 Child Development Workers (CDWs) at 8 Parasocial Workers (PSWs) na ginanap sa Datu Saudi Ampatuan Unit Office, Maguindanao del Sur.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng PhP12,000, katumbas ng kanilang monthly allowance na PhP4,000 para sa unang quarter ng 2025.

Ayon pa sa MSSD na mga Parasocial Workers ay mga katuwang ng ministry sa pagpapatupad ng mga programang panlipunan sa komunidad at tumutulong sa social casework, beneficiary monitoring, gayundin ang community coordination sa ilalim ng Lingkod Pamayanan para sa Kapayapaan Program.

Paliwanag naman ng MSSD na ang Child Development Workers ay nagbibigay ng serbisyong early childhood care and development sa mga child development centers sa barangay, isang mahalagang hakbang para sa maagang paghubog sa edukasyon at asal ng mga bata. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BMN holds orientation for the OJT  MSU-Maguindanao Islamic Studies Students