
Project TABANG, Pinarangalan ng 2025 Digital Governance Award ng Bangsamoro ICT Office

COTABATO CITY (Ika-26 ng Huny, 2025)– Kinilala ang Project TABANG bilang isa sa mga tumanggap ng 2025 Digital Governance Award na iginawad ng Bangsamoro Information and Communications Technology Office (BICTO), bilang bahagi ng 2025 ICT Summit at pagdiriwang ng ICT Month noong ika-25 ng Hunyo.
Ang parangal ay tinanggap ng Project Management Office (PMO) sa pamamagitan ng Project TABANG Information and Communications (PTIC), na pinangungunahan ni Hadji Harris M. Ismael. Ipinakita nito ang dedikasyon ng Project TABANG sa inobasyon at mahusay na serbisyo, lalo na sa matagumpay na paggawa at paggamit ng “TABANG Database Management Information System (TDMIS)”.
Layunin ng TDMIS na gawing mas mabilis, malinaw, at organisado ang pagkuha ng datos, pagsubaybay sa mga suplay, at pagbuo ng profiling mga benepisyaryo. Dahil dito, mas maayos na naipapatupad ang mga humanitarian response sa buong rehiyon ng Bangsamoro.
Ang PMO, sa pamumuno ng PTIC, ang nagsimula sa pagbuo at pagpapatupad ng TDMIS na ngayon ay ginagamit na ng lahat ng yunit at field teams ng Project TABANG bilang isang paperless o walang-gamit-na-papel na sistema ng pagtatrabaho. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)