MSSD, Namigay ng Go Bags at Isinagawa ang Payout sa Cotabato City

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-24 ng Hunyo, 2025)— Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-66 na Araw ng Cotabato, nagsagawa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng payout at pamamahagi ng emergency go bags noong ika-20 ng Hunyo, sa People’s Palace Lobby, Cotabato City Hall.

Sa nasabing aktibidad, tumanggap ng tig-₱12,000 na subsidy ang 28 parasocial workers, na katumbas ng kanilang buwanang allowance na ₱4,000 para sa loob ng tatlong buwan.

Bukod dito, 80 local responders ang binigyan ng emergency go bags na naglalaman ng mga pangunahing gamit na kailangan sa agarang pagtugon sa panahon ng sakuna.

Ang aktibidad ay bahagi ng Ligtas Pamilya Project ng Disaster Response and Management Division (DRMD) ng MSSD. Layunin nitong palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga piling community leaders at responders sa mga sakuna.

Layunin nitong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga piling community leaders at local responders sa disaster preparedness at resilience. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post BARMM Chief Minister Macacua, Nagpasalamat sa Pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. sa Marawi City