Transitional Justice and Reconciliation Orientation, Tinalakay ang Kahalagahan sa Bangsamoro

(Litrato mula sa FB page ni MP Suharto “Teng” Ambolodto, MNSA)

COTABATO CITY (Ika-19 ng Hunyo, 2025) — Tinalakay ang “Transitional Justice and Reconciliation (TJR) Orientation” ng BTA Committee on Bangsamoro Justice System (CBJS) Technical Working Group (TWG) on TJR nitong Miyerkules, upang lubos na maintindihan ang pangunahing panukalang batas para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang aktibidad ay direktang sumusuporta sa patuloy na pagsusuri ng nasabing komite sa BTA Bill No. 353, o mas kilala bilang “An Act Establishing a Bangsamoro Transitional Justice and Reconciliation Program.”

Ayon kay BTA Deputy Floor Leader at MP Atty. Raissa H. Jajurie, na siyang Chairperson ng TWG, ang oryentasyon ay naglalayong bigyan ng pangunahing kaalaman ang mga miyembro ng komite kaugnay sa mga prinsipyo ng TJR.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni CBJS Chairperson at BTA interim Parliament Member Atty. Suharto Ambolodto, MNSA ang kahalagahan ng aktibidad dahil kasalukuyan pa ring tinatalakay ng komite ang nasabing panukalang batas.

Samantala, ipinaliwanag naman ng resource person na si Maria Victoria “Magz” Z. Maglana ang Transitional Justice and Reconciliation Framework at binigyang-diin ang malaking importansya nito para sa Bangsamoro.

Idinetalye ni Maglana na ang transitional justice ay tugon sa malawakan at sistematikong paglabag sa karapatang-pantao. Aniya, hinahangad nito ang pagkilala sa mga biktima at pagtataguyod ng kapayapaan, rekonsilasyon, at demokrasya.

Kanya ring nilinaw na ang transitional justice ay hindi isang espesyal na uri ng hustisya — isang hustisya na inangkop para sa mga lipunang nagbabago makaraaan ang matagal na panahon ng pang-abuso sa karapatang-pantao.

Tinalakay ni Maglana ang apat na pangunahing haligi ng TJR: ang karapatan sa katotohanan, ang karapatan sa hustisya, ang karapatan sa reparations, at ang karapatan sa garantiya ng hindi pag-ulit ng mga pangyayari. (PR, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MENRE-BARMM, Tumanggap ng 211 GPS mula sa PSA para sa Mas Epektibong Pangangalaga ng Kalikasan
Next post MSSD, Nagbigay-Pugay sa mga Tagapag-alaga ng Kabataan sa Sulu