
MSSD, Nagbigay-Pugay sa mga Tagapag-alaga ng Kabataan sa Sulu

COTABATO CITY (Ika-19 ng Hunyo, 2025) — Pinarangalan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang 355 Child Development Workers (CDWs) mula sa 19 bayan sa Sulu sa ginanap na Provincial Summit noong ika-12 ng Hunyo sa Sulu State College Gymnasium sa Jolo na bahagi ng selebrasyon ng BARMM Day Care Workers’ Week.
Layunin ng summit na bigyang-pugay ang mahalagang trabaho ng mga CDW sa pag-aalaga at pagtuturo sa mga batang nasa early childhood stage sa kanilang mga komunidad. Bukod dito, naging pagkakataon din ito para magtagpo-tagpo ang mga CDW, magpakitang-gilas sa kanilang talento, at magbahagi ng mga magagandang gawain o “best practices” sa pagpapatupad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program.
Bilang pagkilala sa matagal nang serbisyo, 50 CDWs na may 15 taon o higit pa sa serbisyo ang ginawaran ng Loyalty Awards.
Samantala, Anim (6) na Child Development Centers (CDCs) ang binigyang parangal at tumanggap ng tig-₱5,000 dahil sa kanilang mahusay na pagpapatupad ng ECCD program.
Dumalo rin sa aktibidad sina Deputy Minister Nur-Ainee Tan Lim, Provincial Social Welfare Officer Hadja Imelda Kangiluhan, mga kinatawan mula sa Provincial Government of Sulu, Philippine National Police (PNP), at iba pang kawani mula sa mga provincial at municipal field offices ng MSSD.
(Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)