
Gobernador Mastura, Panauhing Pandangal sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Upi

COTABATO CITY (Ika-19 ng Hunyo, 2025) — Dumalo si Gobernador Datu Sharifudin Tucao P. Mastura, CPA, ng Maguindanao del Norte bilang panauhing pandangal sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Upi. Sa kanyang talumpati, binigyang-pugay ng gobernador ang mahigit pitong dekadang kasaysayan, pagkakaisa, at katatagan ng mga mamamayan ng Upi.
Pinuri ni Gobernador Mastura ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Ma. Rona Cristina Piang-Flores at ang mga mamamayan ng Upi para sa kanilang pagsisikap sa kapayapaan, kaunlaran, at pagkakapantay-pantay ng pag-unlad.
Aniya, “Today, we honor not only the founding of Upi but also the enduring spirit of its people. Together, let us continue to work hand in hand for lasting peace and sustainable development in our province.”
Nanawagan din si Gobernador Mastura ng mas matibay na pagtutulungan ng mga komunidad at mga lider para sa patuloy na pag-unlad ng probinsya.
Dagdag pa niya, “This anniversary reminds us that our shared future depends on our collective will to rise above challenges and build a province where every family thrives.”
Dumalo rin sa okasyon sina Governor-elect Datu Tucao Mastura, CPA, at Vice Governor-elect Marshall Sinsuat bilang pakikiisa sa mga mamamayan ng Upi. Ipinahayag nila ang kanilang suporta at pangako sa moral na pamumuno at pagkakaisa sa Maguindanao del Norte.
Bago ang programa, tinanggap din ni Gobernador Mastura ang mga opisyal mula sa Ministry of Health (MOH) sa isang courtesy visit. Layunin ng pagpupulong na palakasin ang mga programang pang-nutrisyon sa lalawigan.
Ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng pamahalaan ng BARMM at ng pamahalaang panlalawigan sa pagtugon sa suliranin ng malnutrisyon at sa pagsusulong ng mas mabuting kalusugan para sa mga komunidad, lalo na sa mga bata at mahihinang sektor. (Hasna U. Bacol,BMN/BangsamoroToday)