
MSSD Nagsagawa ng Spot-check monitoring sa Basilan para sa mas maayos na Serbisyo

COTABATO CITY (Ika-17 ng Hunyo, 2025) — Patuloy ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa pagsiguro na maayos at tapat ang pagpapatupad ng kanilang mga programa sa Bangsamoro region. Isa sa mga ginagawa ng ahensya ay ang pagdaraos ng biglaang spot-check monitoring.
Bumisita ang MSSD Regional Monitoring Team sa probinsya ng Basilan noong ika-8 hanggang ika-12 ng Hunyo para tingnan ang aktwal na kalagayan ng mga benepisyaryo at masuri kung maayos bang naipapatupad ang mga social protection programs. Kabilang sa mga lugar na binisita ang Lamitan City, Tuburan, at Al-Barka.
Layunin ng ganitong aktibidad na matukoy kung saan may pagkukulang sa pagpapatupad ng mga programa, mapabuti pa ang serbisyo, at matiyak na ang tulong ay tunay na napupunta sa mga nangangailangan. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)