MENRE-BARMM, Tumanggap ng 211 GPS mula sa PSA para sa Mas Epektibong Pangangalaga ng Kalikasan

(Litrato mula sa MENRE-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-17 ng Hunyo, 2025) — Upang suportahan ang pamamahala ng kalikasan, likas na yaman, at posibleng mapagkukunan ng enerhiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), pormal na ipinagkaloob ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng BARMM ang 211 yunit ng Garmin eTrex 30 handheld GPS sa Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) noong ika-13 ng Hunyo.

Ginawa ang turn-over ceremony sa tanggapan ng MENRE Minister kung saan tinanggap ni MENRE Minister Akmad A. Brahim at Mines and Geosciences Services (MGS) Director Raphael L. Remo ang mga kagamitan mula kina PSA-BARMM Regional Director Engr. Akan G. Tula at Maguindanao Provincial Director Naldo G. Pendaliday.

(Litrato mula sa MENRE-BARMM)

Ang mga handheld GPS ay inaasahang makatutulong sa mas eksaktong data collection, field surveys, geotagging, at resource mapping sa rehiyon. Mahalaga ang mga gawaing ito sa mandato ng MENRE na pangalagaan, pamahalaan, at paunlarin sa makakalikasang paraan ang mga likas na yaman ng BARMM.

Ayon sa MENRE, malaking tulong ito para mas maging batay sa datos ang mga programa at polisiya ng kanilang ahensya.

Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan ng BARMM para sa evidence-based governance. Sa pagkakaroon ng maaasahang gamit para sa geospatial mapping, mas magiging epektibo ang mga field personnel sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin sa iba’t ibang lugar ng rehiyon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Nagsagawa ng Spot-check monitoring sa Basilan para sa mas maayos na Serbisyo