Iran nagbigay Babala sa mga Israeli na umalis na sa Israel dahil maaaring hindi ito ‘Matitirahan’ sa mga darating na araw

Pinsala sa bansang Israel ng retaliatory airstrikes ng Iran sa Israel Biyernes ng gabi, June 13, 2025 na narinig ang pagsabog sa Jerusalem at Tel Aviv. (Litrato mula sa Reuters)

COTABATO CITY (Ika-16 ng Hunyo, 2025) — Ito ang sinabi ng tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Iran na hindi magdadala ng kaligtasan sa mga Israeli ang pagsilong sa ilalim ng lupa kasabay ng panawagan sa mga Israeli na umalis sa kanilang bansa, nagbabala na maaaring hindi ito “matitirahan” sa mga susunod na araw, batay sa ulat ng state news agency na IRNA, habang nagpapatuloy ang paghaharap ng militar sa pagitan ng dalawang magkaribal na rehiyon.

“Warnings for you in the coming days: Leave the occupied territories, because, certainly, they won’t be inhabitable in the future!”, pahayag ni Reza Sayyad, tagapagsalita ng sandatahang lakas ng Iran noong Linggo matapos magsimula ang panibagong yugto ng paghihiganti ng Iran laban sa Israel.

Nagbigay ito ng babala na kahit pa magtago sa ilalim ng lupa ang mamamayan ng Israel ay hindi parin ito ganap na ligtas, “taking shelter underground will not bring safety to the Israelis.”

Kanya ring bigyang-diin na huwag hayaang gamitin ng rehimeng kriminal ang mga Israelis bilang human shield.

Samantala, sinabi ni Mohsen Rezaei, isang senior IRGC commander na miyembro din ng Expediency Council ng Iran na maaari anyang umabot sa punto kung saan ang Iran ay gagawa ng mga malalaking aksyon na magpapapahina sa buong rehiyon.”

Sinabi ni Rezaei na ang mga matatalinong tao sa US at Europa ay dapat kumilos nang mabilis upang alisin ang kanilang mga bansa mula sa digmaang ito, “The wise people in the US and Europe must act quickly to pull their countries out of this war; otherwise, we cannot stand by and watch their involvement without responding.”

Noong Biyernes, ang Israel ay naglunsad ng mga hindi sinasadyang air strike sa maraming mga site sa buong Iran, kabilang ang mga pasilidad ng militar at nukleyar. Ang hindi sinasadyang pag-atake ng Tel Aviv ay nagbunsod ng tunggalian, na nag-udyok sa Iran na magsagawa ng mga ganting pag-atake sa Israel. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MSSD Celebrates National Day Care Workers’ Week