
258 Mahihirap na Pamilya sa Kapalawan, SGA, Tumanggap ng Emergency Shelter Assistance

COTABATO CITY (Ika-27 ng Mayo, 2025) —Isinagawa ng Ministry of Social Services and Development (MSSD), sa tulong ng Kapalawan Municipal Social Welfare Office, ang pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa 258 pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad sa bayan ng Kapalawan,SGA. Ang payout ay ginanap mula ika-17 hanggang ika-22 ng Mayo sa MSSD Kapalawan Field Office.
Tumanggap ng tig-PhP30,000 ang bawat benepisyaryo upang makatulong sa pagsasaayos, o pagpapabuti ng kanilang mga tirahan. Ito ay malaking tulong para sa kanilang pagbangon mula sa pinsalang dulot ng sakuna.
Kasama sa aktibidad ang oryentasyon sa mga benepisyaryo kung saan ipinaliwanag ang mga alituntunin sa pagsubaybay sa rekonstruksyon. Tinalakay dito ang tamang pagbili ng materyales at ang pagsasaayos ng kanilang mga bahay.
Ang ESA program ay patunay ng patuloy na pagtulong ng MSSD sa mga mahihinang sektor, komunidad, at mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa rehiyon ng Bangsamoro na naapektuhan ng kalamidad. Layunin ng programa na muling itayo ang kanilang pamumuhay at palakasin ang kanilang kakayahang makabangon. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)