
MENRE at National Water Resources Board, Lumagda ng Kasunduan para sa Masusing Pagsusuri sa Yamang-Tubig ng Agus River Basin

COTABATO CITY (Ika-10 ng Mayo, 2025) β Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang National Water Resources Board (NWRB) nitong ika-8 ng Mayo sa NWRB Conference Room. Layunin ng kasunduang ito na suportahan ang isasagawang Comprehensive Water Resources Assessment (CWRA) o masusing pagsusuri sa yamang-tubig ng Agus River Basin.
Ang MOA ay pinirmahan nina MENRE Minister Akmad A. Brahim at NWRB Officer-in-Charge Executive Director Atty. Ricky A. Arzadon. Nakasaad sa kasunduan ang pagtutulungan ng dalawang ahensya sa mga aktibidad at proseso na kinakailangan para sa CWRA, na isasagawa mula Marso hanggang Disyembre 2025.
Ayon kay Minister Brahim, βThe joint implementation of this assessment will enable the Bangsamoro Government to establish a baseline for sustainable planning, strengthen regulatory and policy frameworks, and improve our capacity to manage competing water uses in an evidence-based and transparent manner.β
Ang pagsusuri ang buong Agus River Basin kabilang na ang lalawigan ng Lanao del Norte at mga bayan ng Bacolod-Kalawi, Balindong, Bayang, Binidayan, Buadiposo-Buntong, Bubong, Butig, Ditsaan-Ramain, Ganassi, Kapai, Lumba-Bayabao, Lumbatan, Lumbayanague, Madalum, Madamba, Maguing, Marantao, Marawi City, Masiu, Mulondo, Pagayawan, Piagapo, Poona Bayabao, Pualas, Saguiaran, Sultan Dumalondong, Tagoloan II, Tamparan, Taraka, at Tugaya sa Lanao del Sur.
Layon ng CWRA na makalikha ng siyentipikong ulat hinggil sa dami at kalidad ng tubig sa Agus River Basin, gamit ang kasalukuyang datos, kalakaran sa paggamit ng tubig, pag-unlad sa lugar, at inaasahang epekto ng pagbabago ng klima sa regulasyon at pamamahala ng yamang-tubig.
Ang MENRE-BARMM, sa pamamagitan ng Environment Management Services nito, ang mangunguna sa koordinasyon, pagbabantay, at pagpapatupad ng mga aktibidad ng proyekto sa rehiyon. Ang NWRB naman ay magbibigay ng teknikal na gabay at kukuha sa CEST, Inc. bilang katuwang na konsultant. Bahagi rin ng proyekto ang pagbibigay ng pagsasanay para sa mga tauhan ng MENRE (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)