Advertisement Section
Header AD Image

MHSD at Al-Amanah Bank, Lumagda ng Kasunduan para sa Islamic Banking at Financial Education

(Litrato mula sa MHSD-BARMM)

COTABATO CITY (Ika-7 ng Mayo, 2025) — Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AIIBP) upang palawakin ang access ng mga Bangsamoro sa Islamic banking at financial education, lalo na sa abot-kayang pabahay.

Ginanap ang pirmahan noong Ika-24 ng Abril  sa Conference Room ng MHSD Regional Office sa Bangsamoro Government Center, Cotabato City.

Pinangunahan ito ni Minister Atty. Hamid Aminoddin D. Barra, na nagpaalala sa mga dumalo na ang MHSD ay may pananagutan. Ang MOA signing ay isinulong ng PDCRD sa pangunguna ni Chief Alawi, kasama ang tulong mula sa Housing and Human Settlements Division sa pamumuno ni Chief Shallahudin S. Cosain.  
Ayon kay Abdulhamid C. Alawi, Jr., Chief ng Policy Development, Coordination and Regulation Division (PDCRD), layunin ng kasunduan na:

Palaganapin ang kaalaman tungkol sa Islamic banking at halal finance, Turuan ang mga komunidad kung paano gamitin ang tamang serbisyo sa pananalapi, Tumulong sa pagbuo ng Shariah-compliant housing loan options para sa mga proyekto ng MHSD

Makakatulong ito upang masiguro na ang mga programa sa pabahay at pananalapi sa BARMM ay angkop sa kultura at paniniwala ng mga Muslim Filipino, at mas magiging epektibo at may malasakit sa lokal na konteksto.

Batay sa MOA Magbibigay ang MHSD ng technical support at ikokonekta ang AIIBP sa mga benepisyaryo ng mga proyekto, mag-aalok ang AIIBP ng mga training at produkto na ayon sa prinsipyo ng Islam

Tatagal ang kasunduan hanggang taong 2030 at kabilang sa kasunduan ang pagsunod sa mga batas ng gobyerno gaya ng anti-money laundering regulations.

Lumagda sa MOA sina Minister Barra, Deputy Minister Aldin H. Asiri, Bangsamoro Director General Esmael W. Ebrahim, Director II for Operations and Management Services Salem C. Demuna, REA, at AIIBP CEO at Chairperson Amilbahar P. Amilasan Jr.

Ani CEO Amilasan “One of the incentives that we foresee is for the Bangsamoro, who are not members of Pag-IBIG, to be catered reflecting their financial needs, especially those who are not regular employees.”

Magkakaroon din ng programa ang AIIBP para sa mga hindi regular na empleyado, habang ang mga regular na empleyado ay maaaring makakuha ng pabahay sa pamamagitan ng salary deduction, basta’t may kasunduan ang BARMM Government.

Ang MHSD ang nangunguna sa mga proyekto sa pabahay at urban development sa rehiyon, habang ang AIIBP naman ang nag-iisang government-owned Islamic bank sa bansa. Ipinakita ng kasunduang ito ang layuning maghatid ng serbisyong pinansyal na respetado ang paniniwalang Islamiko at nakatutugon sa pangangailangan ng mga komunidad ng Muslim. (Hasna U. Bacol, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Tuloy ang Rebolusyon: Mula Bala hanggang Balota
Next post MAFAR pinalakas ang pagsasaayos ng mga rekord sa ginawang Capacity-Building Workshop at Records Reconciliation