Mahigpit na Pagsusuri sa mga Programang Panlipunan sa Sulu, Isinagawa ng MSSD-BARMM

(Litrato mula sa MSSD-BARMM)

COTABATO CITY (May 6, 2025) — Isinagawa ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang isang dalawang araw na masusing pagsusuri (spot-check monitoring) sa mga programang panlipunan nito noong Abril 29-30, 2025 sa mga bayan ng Jolo at Indanan, Sulu upang tiyakin ang transparency at kahusayan sa pagpapatupad ng mga programa.

Pinangunahan ng Monitoring and Evaluation (M&E) Section ng Planning and Development Division and pagsagawa ng pakikipanayam sa mga benepisyaryo at sinuri ang bisa ng mga programang pang-proteksiyon sa lipunan. Sinuri rin nila ang katumpakan ng datos at idokumento ang mga tagumpay sa larangan.

Sa Jolo, 18 benepisyaryo ang nakapanayam, mula sa mga programang Unlad Pamilyang Bangsamoro, Kupkop, Kalinga para sa may Kapansanan, Early Childhood Care and Development (ECCD), at Lingkod Pamayanan para sa Kapayapaan. Sa Indanan naman, 15 benepisyaryo ang nasuri, mula sa mga katulad na programa.

Ayon kay Asnaira M. Pagayao-Laba, MSSD Family and Community Welfare Program Focal, ang pagsusuring ito ay mahalaga sa pagtukoy ng mga kakulangan at pagpapabuti ng mga programa. “Nais naming matiyak na maayos ang implementasyon ng mga programa ng MSSD,” aniya.

“Sa pamamagitan nito, matutukoy natin ang mga hamon, mapapabuti ang transparency at accountability, at mapapaganda pa natin ang ating mga serbisyo para sa Bangsamoro,” punto nito.

Ibinahagi ni Asia A. Sadil, isang single mother mula sa Jolo, ang kanyang pasasalamat sa Unlad Pamilyang Bangsamoro Program dahil sa malaking tulong nito sa kanyang pamilya. Samantala, pinuri naman ni Bakkial H. Bantarasa mula sa Indanan ang Kalinga Program dahil sa suporta nito sa kanyang pamilya.

Ang mga koponan sa pagsusuri ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang dibisyon ng MSSD, kasama ang mga tauhan mula sa probinsya at munisipalidad. Nakipagtulungan din sila sa mga lokal na pamahalaan at Municipal Social Welfare Officers (MSWOs).

Sa pamamagitan ng pagsusuring ito, pinatunayan ng Ministry of Social Services and Development ng pangako nito sa de-kalidad na serbisyo, pagpapalakas ng kapangyarihan ng komunidad, at pagpapatupad ng mga programa batay sa datos sa buong rehiyon ng Bangsamoro. (USM OJT Student: Melody N. Flores, BMN/Bangsamoro Today)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post MHSD, Nakipagkasundo sa R8:28 para sa Makabago at Abot-Kayang Pabahay sa Bangsamoro
Next post Jamiat Covered Court Pormal ng Natapos sa Tulong ng TDIF 2023 mula kay MP Sema