Advertisement Section
Header AD Image

MILF suportado ang mga Senador sa May 12 Elections na Prayoridad ang Pagpapatupad ng CAB, TJRC, Magsusulong sa Pagbuo ng Moro Province ng SGA at Muling Pagsasama ng Sulu sa BARMM

(Litrato mula sa AlHajMuradEbrahim Facebook page)

COTABATO CITY (May 3, 2025) — Mainit na tinanggap ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Commitee at ang partidong United Bangsamoro a Justice Party (UBJP) ang pagbisita senatorial candidate na si Francis “Kiko” Pangilinan at ng kanyang asawa, si Megastar Sharon Cuneta noong Biyernes sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Pinamunuan ni UBJP Party President Chairman Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, kasama ang Pangalawang Pangulo ng Partido at para sa Central Mindanao na si Mohagher M. Iqbal, Pangalawang Pangulo ng Partido para sa Northern Mindanao na si Aleem Ali Solaiman, at iba pang opisyal at miyembro ng UBJP-Central Party Committee.

Sa kanyang mensahe, binalangkas ni Chairman Murad ang mga pamantayan ng Partido para sa pag-endorso ng mga kandidato sa pagka Senador, na kinabibilangan ng buo, taos-puso, at may prinsipyong suporta para sa prosesong pangkapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), alinsunod sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), kabilang ang muling pagsasama ng Sulu sa rehiyon ng Bangsamoro, ang pagtatatag ng Bangsamoro Transitional Justice and Reconciliation Commission, at enactment ng batas na magbubuo sa Moro Province sa munisipyo ng Special Geographic Areas (SGA).

Nagpahayag din ng pasasalamat si Chairman Murad kay dating Senador Pangilinan para sa kanyang patuloy na pagsuporta sa ipinaglalaban na karapatan ng Bangsamoro, lalo na sa pamamagitan ng kanyang pagsang-ayon na pagboto para sa Bangsamoro Organic Law (BOL), at ang makasaysayang batas ng extension na nagpapahintulot sa patuloy na paglipat sa ilalim ng Gobyernong Bangsamoro.

Muling pinagtibay ni dating Senador Pangilinan ang kanyang matibay na pangako sa ganap na pagpapatupad ng mga nilagdaang kasunduang pangkapayapaan, at sa pagbuo ng isang mas matatag at makapangyarihang rehiyon ng Bangsamoro.

Samantala, inihayag ng pamunuan ng MILF, at UBJP ang kanilang imbitasyon para sa iba pang kandidato sa pagka Senador na bumisita sa Camp Darapanan bago ang opisyal na pag-endorso ng labindalawang kandidato, na iaanunsyo sa Taunang General Assembly ng MILF, at Grand Miting de Avance sa Mayo 7, 2025, isang kaganapan na inaasahang magtitipon ng humigit-kumulang 100,000 miyembro at tagasuporta mula sa Bangsamoro. (Tu Alid Alfonso, BMN/BangsamoroToday)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Shalimar Candao, Tatakbong Cotabato City Councilor tutukan ang ‘Women Empowerment & Tourism Promotion’